Tumaas talaga ang generation charge kasi nag-maintenance ang Malampaya at nababawasan na rin unti-unti ang sinu-supply nilang natural gas na panggatong sa mga power plants. Tumaas din in general ang presyo ng coal at diesel na ginagamit ng iba pang power plants dito. Kahit hindi kumukuha ng kuryente ang electric cooperative ninyo sa Malampaya, nagkakaroon ng shortage ng supply kaya mas mahal ang presyo ng kuryente. Iyan ang short-term cause kaya tumaas presyo ng kuryente.
Ang long-term cause, hindi effective ang EPIRA Law. Kasi may sabwatan mga power generators at distributors. Gugel mo na lang. Hahaba pa lalo comment ko.
Hindi ka rin talaga magbebenefit directly sa Bangui Windmills dahil required silang magbenta ng porsyento nang na-generate nilang kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market. Yung electric cooperative niyo rin required bumili ng ilang porsyentong requirement nila sa WESM. Again, dahil sa EPIRA Law.