What's new

Na scam ata ako

copro14

Forum Expert
Elite
Joined
Nov 7, 2014
Posts
8,426
Solutions
1
Reaction
11,473
Points
2,780
Age
9
Halos kanina lang dito Palawan Express Padala dito samin nag cash in ako via dragon pay sa bank ko ng 20k. Ang alam ko tama yung bilang ko ng pera ko. Pero nung binilang na nung teller kulang daw ng 1k. Hindi na ako nag insist na sakto yung binigay ko. Buti may sobra akong 1k na pera.

Gusto ko lang malaman meron ba dito na naka experience o alam na nangyari na ganitong modus sa palawan express padala? At anong pwedeng gawin next time. May pupuntahan ba kung makikipag talo ako?

Disclaimer lang binilang ko yung pera bago ako umalis at nung nasa Palawan na at sa bilang ko sakto hindi lang ako sure kung tama ba talaga bilang 🥲😟
 
Either way baka nagkamali ka ng bilang nung nasa Palawan Padala ka (not unless nag triple check ka sa pagbilang) or yung sa bank teller po mismo nagkamali ng bilang.
 
Either way baka nagkamali ka ng bilang nung nasa Palawan Padala ka (not unless nag triple check ka sa pagbilang) or yung sa bank teller po mismo nagkamali ng bilang.
Yun na nga paps. Iniisip ko kasi baka may modus na naka experience na ganito dito. Tapos isa pa iniisip ko kung kaya nila ipagpalit yung trabaho nila sa halagang 1k.

Ilanh beses na rin ako nagka cashin sa branch na yun ok naman. Ngayon lang nakulangan tapos first time yung babaeng incharge ngayon
 
may cctv yan na try ko dn dati sa isang bank sakto bilang ko kulang daw 1k pero nag reklamo lng ako na sakto bilang ko paulit-ulit at tama bilang ko nun bago binigay, ayon check nila cctv tapos ok na daw so ayon wla na problema
 
Pakiramdam ko nga sinubukan sakin eh ilang beses na rin kasi ako nagcacashin dun halos every month. Meron pala talaga nangyayari na ganun. Noted ko ito paps. Next time makikipag talo ako na sakto pera ko lalo na kung binilang ko ng tama. Ngayon charge to experience muna, kung sakali man na inisihan nila ako bahala na karma sa kanila
 
May ganyan talaga kagaya sa money changer na kailangan mo talaga tignan mga gagawin nila or kailangan sure ka na ganun yung bilang para di sila mag insist na kulang.
 
Never happen to me but sa friend ko kaya what i do nalang is stapler it at ako mismo magbibilang sa harapan ng teller. (minsan yong teller ang magtatangal ng stapler or request nila saakin tapos nila bilagin ulit)

Also, meron na kiosk branches ang palawan, i suggest na iwas ka dito at doon kalang sa malalaki na branch.

Lesson learned nalang boss at goodluck next time, mahirap kasi yan i-contest na issue.
 
Last edited:
Hindi ito sa palawan express , pero parang ganito nangyari sayo paps

View attachment 2847329

Mismo paps pwedeng ganyan nangyari. Ang problema yung sa palawan nakaupo mga teller at di kita yung desk nila kung di lalapit sa counter. Thanks dito paps

May ganyan talaga kagaya sa money changer na kailangan mo talaga tignan mga gagawin nila or kailangan sure ka na ganun yung bilang para di sila mag insist na kulang.
Yes paps thank you lesson learned na lang

goodluck po sa inyo sana maaus nyo yan 20k sayang un🙁
Bali 1k lang paps yung nadugas paps.

Never happen to me but sa friend ko kaya what i do nalang is stapler it at ako mismo magbibilang sa harapan ng teller. (minsan yong teller ang magtatangal ng stapler or request nila saakin tapos nila bilagin ulit)

Also, meron na kiosk branches ang palawan, i suggest na iwas ka dito at doon kalang sa malalaki na branch.

Lesson learned nalang boss at goodluck next time, mahirap kasi yan i-contest na issue.
Super thank you sa advice paps. Gagawin ko ito. ❤️ Yun na nga kaya ayaw ko na rin icontest kasi di ren ako sure kung tama ba bilang ko, kasi binilang ko dito sa bahay tapos binilang ko din dun nung ibibigay ko na.

Oo nga paps nareliaze ko nga na sa harap ng teller ko dapat bilangin. Kasi ang ginagawa ko bilang ko tapos abot sa teller

Tama talaga na naishare ko dito kasi may mga nakuha ako tips. Sobrang thank you CZRSLS
 
Last edited:
dito samin yung sinasanglang gold sa palawan binabawasan niya, example 1.4 gram gold mo pag kunin mo na nasa 1.2gram nayan dami na nabiktima dito nagtitipon tipon na mga nabiktima dito para mag report
 
Sana matanggal sa trabaho yung mga ganyan
 
Similar threads

Back
Top