What's new

Help Nakagat ng Pusa

Mas maigi mag-sigurado ka na, sa pagkarinig ko mas matindi pa raw ang rabies ng pusa kasi kahit ano kinakain nyan being a predator... hindi lang daga, sama na rin ipis, palaka, ahas or kahit ano na kaya nya i-hunt kakainin nya
 
Dami kong natututan salamat ganun pala yon dati kase naniniwala ako agad agad aa sinasabe nila kapag nakalamot
 
madalas ako nakikipaglaro sa mga pusa ko and madalakas din akong nakakagat at nakakalmot literally nadugo sadya kaya puro gasgas braso ko pero buhay pa naman ako hahahahah ang alam ko tulad sa aso kapag infected ng rabies ang isang pusa eh kapag iba behavior niya sa ibang pusa
 
tsaka wag nyo po nudnuran ng bawang yung kagat or kalmot, masusunog lang ang balat pag ganun, napagsabihan ako ng nurse nung nakagat ako ng aso namin, hugasan lang ng mabuti yung sugat with flowing water...peklat pa inabot ko sa bawang 🤣
 
pa inject ka na boss, ganyan ngyare sa kapitbahay namen na batang makulit na kagat ng pusa twice pa. Nung mga after 3 months dun nag start mag ka effect yung rabbies
 
lahat ng hayup cer meron atang rabbies,
fact : mas grabi daw yung rabbies ng pusa kaysa aso.
may kakilala kasi ako nakagat din siya ng pusa, in few days namatay siya.
sabi ng doctor sa pamilya nya, mas grabi daw yung rabbies ng pusa kaysa aso.
yung kalmot, ok lang daw yun kung hindi madumi yung kuko ng pusa.
 
Nakagat ako ng aso paps, maliit lang pero sa fingers ko. Ganito explanation ng doctor sakin.

May 3 stages of severity ang kagat ng Aso or Pusa, Stage 1, 2 and 3. Yung finger ko is Stage 3 kasi dyan nakafocus ang blood flow and important sa vital sign reading like sa mga naka ICU which is naglalagay sila ng sensor sa daliri. Sabi ng doctor, kahit na galos lang, may chance na nagtransmit yung rabies galing dun sa laway lalo na pag di hinugasan agad thoroughly. Kaya kung ako sayo, pa-inject kana ng anti-rabies kasi its better to be safe than sorry.
 
Naku kalmot nga lang nagpainject na kmi kc may case sa amin na ngkaganyan di nia pinansin ayun nasa ilalim na kumalat na kc un rabies nagmanifest after ng ilang buwan
 
Tama sir dati may pusa ako lagi ako nakakalmot nagdudugo pa nga e hindi ko lang pinapansin.
 
Kung malinis yung pusa mababa yung tyansa na mag ka rabies ka .
signs is nag lalaway yung pusa or bumubula bibig at madumi.
 
Tanong lang, pag ang pusa ba may rabies, sure na mamamatay? Nakalmot kasi ako ng kuting namin habang pinapakain ko siya. Gusto niyang umakyat sa lap ko kaya nakalmot yung hita ko.
3 days palang siya dito samin kasi inuwi lang siya dito sa Manila galing sa probinsya. Sabi naman ng nanay ko hindi naman nakakalabas ng bahay sa probinsya itong pusa. Hindi rin siya nakakalabas dito sa bahay.

Mamamatay ba yung pusa (mga 2 months old palang siguro siya) kung may rabies siya? Kung oo, gano katagal bago siya mamatay? Para sana makapag pa turok ako ng anti rabies vaccine kung sakali. Delikado rin kasi sa covid kung hindi naman siguradong may rabies. Though takot na takot din ako sa rabies. Salamat
 
rare case naman ang rabies sa pusa, pero if meron lethal sila kasi kahit scratch ng pusa prone to infection din. kaya if bite cases or scratch cases ng mga stray cats ay need talaga mag-visit sa health center for correct medical response/action. (category 3 if cat case).

Pero if home owned cat, and no unusual change in behavior tapos complete naman ang vaccination/anti-rabies injections ay mas less ang chance for infection (hugasan lang ang sugat if meron).
 
Guys update for me: Nakaligtas ako sa rabbies, salamat sa mga concern sa akin dito sa phc
He he, sinulit mo talaga na isang taon bago mo na-confirm.
Tandaan nyo lang, ang madalas na apektado ng transmission ng rabies ay yung "mammals" tulad ng tao, aso, pusa, daga, paniki, atbp., hindi ibon, reptilya, isda o kaya ay insekto. Pero may pagkakataon na magkaroon ng "spillover" bukod sa "mammals" kung laganap na yung rabies sa isang lugar - nangyayari yan pero bihira. Tulad yan ngayon dahil sa "spillover" ng coronavirus - freak of nature. Sa hayop, di masyadong mataas ng posibilidad na mamatay pero sa tao ay mataas at utak o nerves ang target nyan. Walang 100% na may makakapagsabi na na-infect ka ng "rabies lyssavirus" hangga't di pinapatay yung hayop at kuhaan ng brain tissue for fluorescent antibody test (FAT). Or, oobserbahan lang yung hayop kung may abnormalities at symptoms ng sakit for confirmation within 7 - 10 days. Kung pupunta ka sa ospital, iisa lang ang sasabihin sa'yo ng duktor - magpaturok he he. Kung pupunta ka naman sa inyong munisipyo, dahil may suspetsa ka sa hayop na kumagat sa'yo, baka matagalan ka sa inaasam mong tulong unless merong rabies outbreak sa lugar ninyo. Kung mamalasin ka, baka umepekto na yung virus sa katawan mo at magsapalaran kay kamatayan.
Ito yung manuals and control of rabies in the Philippines:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung mapapansin ninyo sa manuals at latest technology, walang masyadong improvement sa early detection tests sa tao dahil mabusisi yung ante-mortem (bago mamatay) na tests sa atin. Puro rapid tests lang sa hayop ang laganap ngayon.

Pero ang "rule of thumb", kung alaga mo yan sa bahay at wala namang klarong rabies infection sa lugar ninyo ay wala ka dapat ikabahala. Well-informed ka dapat sa ganitong pangyayari. At ang mga nag-aalaga ng hayop sa bahay ay pinababakunahan sila ng anti-rabies para ligtas sila at yung nag-aalaga sa kanila sa sakit. Yan yung "standard norm" para iwas sa pagkabahala. At turuan mo yung "pet" mo na huwag mangagat o mangalmot ng kanyang amo he he. Bulungan mo parati he he, or else "éùthanize" ang bagsak nyan kung di mo ma-kontrol, dahil "bad" breed yan. That's the reality.
 
Last edited:
He he, sinulit mo talaga na isang taon bago mo na-confirm.
Tandaan nyo lang, ang madalas na apektado ng transmission ng rabies ay yung "mammals" tulad ng tao, aso, pusa, daga, paniki, atbp., hindi ibon, reptilya, isda o kaya ay insekto. Pero may pagkakataon na magkaroon ng "spillover" bukod sa "mammals" kung laganap na yung rabies sa isang lugar - nangyayari yan pero bihira. Tulad yan ngayon dahil sa "spillover" ng coronavirus - freak of nature. Sa hayop, di masyadong mataas ng posibilidad na mamatay pero sa tao ay mataas at utak o nerves ang target nyan. Walang 100% na may makakapagsabi na na-infect ka ng "rabies lyssavirus" hangga't di pinapatay yung hayop at kuhaan ng brain tissue for fluorescent antibody test (FAT). Or, oobserbahan lang yung hayop kung may abnormalities at symptoms ng sakit for confirmation within 7 - 10 days. Kung pupunta ka sa ospital, iisa lang ang sasabihin sa'yo ng duktor - magpaturok he he. Kung pupunta ka naman sa inyong munisipyo, dahil may suspetsa ka sa hayop na kumagat sa'yo, baka matagalan ka sa inaasam mong tulong unless merong rabies outbreak sa lugar ninyo. Kung mamalasin ka, baka umepekto na yung virus sa katawan mo at magsapalaran kay kamatayan.
Ito yung manuals and control of rabies in the Philippines:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kung mapapansin ninyo sa manuals at latest technology, walang masyadong improvement sa early detection tests sa tao dahil mabusisi yung ante-mortem (bago mamatay) na tests sa atin. Puro rapid tests sa lang sa hayop ang laganap ngayon.

Pero ang "rule of thumb", kung alaga mo yan sa bahay at wala namang klarong rabies infection sa lugar ninyo ay wala ka dapat ikabahala. Well-informed ka dapat sa ganitong pangyayari. At ang mga nag-aalaga ng hayop sa bahay ay pinababakunahan sila ng anti-rabies para ligtas sila at yung nag-aalaga sa kanila sa sakit. Yan yung "standard norm" para iwas sa pagkabahala. At turuan mo yung "pet" mo na huwag mangagat o mangalmot ng kanyang amo he he. Bulungan mo parati he he, or else "éùthanize" ang bagsak nyan kung di mo ma-kontrol, dahil "bad" breed yan. That's the reality.
Salamat boss
 
Similar threads

Back
Top