BantayBahay
Eternal Poster
- Joined
- Sep 7, 2020
- Posts
- 785
- Reaction
- 622
- Points
- 470
Di ako makatulog kanina kaya kumain muna ako ng tinapay kasi nagugutom ako. Mga 4 ako kumain at natulog ako ng 5. Hahaha ginising ako ni mama kasi sumisigaw ako ng parang nasa horror nung pag kagising niya saken, sinigawan ko siya ng sino ka!? tas bigla kong hinampas yung braso niyo palayo saken (wala ako sa pag iisip ko nito) sabi ng kapatid ko nagising siya sa kakasigaw ko na akala niya pinapatay ako kasi kung sumigaw daw ako e parang nasa horror (mababa medyo yung boses ko) Manipis pa yung pader namin kaya nagising yung kapitbahay namin at narinig ni mama na sabi nila "anong nangyari sa kabila?"