What's new

Closed Nang dahil sa internet

Status
Not open for further replies.

TazkManager

Addict
Joined
Dec 4, 2017
Posts
41
Reaction
26
Points
76
Nang dahil sa Internet.
By: TazkManager

-

Adik sa internet si Bokyo, halos araw araw e laman siya ng mga forum at websites para tumuklas ng makabagong internet tricks para rin pag kakitaan. Halos di na siya naliligo dahil baka raw mapasma ang kanyang utak kapag naligo pa siya.

Isang araw nautusan si Bokyo ng kaniyang ina na magsaing ng bigas para sa kanilang hapunan.

"Bokyo, anak, mag-saing ka muna ha, aalis lang ako saglit, mamimili ng ulam paghapunan natin." Wika ng kaniyang ina.

"Opo, `ma." Sagot naman ni Bokyo. Nakatanghod ito sa tablet at panay ang pindot sa screen.

Matapos ang ilang sandali ay agad na nakapagsaing si Bokyo. Nakalagay ang bigas sa kaldero at nakasalang sa malakas na apoy ng kanilang kalan.

Makalipas ang ilang minuto nang dumating ang ina ni Bokyo.

"Andito na ako, Bokyo?? Nagawa mo ba ung inutos ko kanina?" Tanong ng kaniyang ina.

Ngunit nanatiling nakatunganga lang sa tablet si Bokyo at tila walang naririnig. Panay pa rin ang pagpindot nito sa screen ng kanyang tablet.

Maya-maya pa ay....

"Teka? Parang amoy sunog ha? Bokyo! Bokyo! Amoy sunog!" sigaw ng kanyang ina sabay kalabit nito kay Bokyo.

Agad na nagulat si Bokyo at naalala nito na mayroon siyang naiwang sinaing sa kusina.

"NAKUPO! SINAING KO!!"

Huli na ang lahat nang makita ni Bokyo na naging uling na ang dapat sana'y kanin na kanilang hapunan.


"GRRRRRRrrrrrr!!!!!! BOKYOOOOOO!!!!!!!"""

At nabuhay ang DRAGON! na hitsura ng nanay ni Bokyo kapag galit na galit.

"He he he! másáráp naman `to `ma, 'COFFEE Flavor' ??? Naiwika ni Bokyo sa galit na galit na ina.

"GGGGGRRRRRRR!!!!! BOOOKKKYOOOOOOO!!!!""



"TAKBOOOOOO!!!!" At agad tumakbo si Bokyo bitbit ang kaniyang tablet.

-

THE END

kaya kayo huwag puro internet tricks. Saing saing din pag may time. Hanggang sa muli.

PS: Siya nga pala pangalan ko Aldrin aka - Bokyo
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top