What's new

New year 2022,magbago na tau ng sim DITO

Sa current location ko e 3 months na maganda ang DITO, nung nagavail kami ng sim para sa permanent na number namin e biglang bumagsak ang signal. Kahit nakasalpak na sa modem router e mahina na ang signal. Ang bagal pa ng net. Pero pag nasa highway kami, malakas naman ang signal, kaya back up sim ko lang siya ngayon
 
Stick muna kayo sa mga original sim niyo guys. Later na kayo magshift sa DITO. Sa una lang malakas tapos biglang babagsak ang signal niyo at babagal ang internet speed niya. Nagchat na ako sa customer service pero walang nangyari kahit binigyan ako ng ticket number
 
nanDITO nga ambagal naman. mas mabuti pa DOON nalang sa luma.naexpire nalang data ko sa DITO sa sobrang bagal.
 
wala po sariling tower si DITO nakikisampa lang po yan sa smart at globe kaya panigurado kapag congested na po DITO user sa isang area babagsak at babagsak po yan in the future.
 
Bossing buti nga sa inyo yang sim lang pinoproblema nyo, smin nga dine bwisit na PLDT are kamahal mahal ng binabayad pawala wala naman, parang heart beat eh baba, taas, baba, taas, magkaka meron, wala, magkaka meron, wala. 🥲
 
Humina napo talaga ts yung speed ni dito. Pero na try ko side by side sa 5g capable na device malaking laking deperensya nya po sa 4g lte capable na device. Sa ngayon mas masulit si smart kung nakapag avail kayo po sa unli data 299 lalo na kapag 5g capable yung device nyo po. Location ko po ay sa city medjo humina na talaga sa dito compared sa first few months ng release nya pero stable naman po siya. Kaso pag bumyahe na ako kasi malayo yung everyday commute ko deperensya talaga sa area at congestion ng towers.

Payo ko po kung may dito sim sa kapit bahay o kabarkada, tanongin nyo po kung kumusta yung speed nya kasi kapag maganda yung speed nya at isa sa approved phones ni dito ay sulit ka sa video call kasi libre lang siya pero kinakailangan na approved dito phone kayo para maka enjoy sa benefit na to.

Pero kung internet speed lang ang kailangan nyo po. Yung dito try nyo lang po kasi kapag bagong tower meaning di pa congested.
 
DITO Libre via hotspot....
3.png
 

Attachments

sa una akala ko dito na ang solution pero na realize ko na marami pang kaakaining bigas ang dito.
ang bagal na ng connection dati 2MBPS ngaun 200KB nalang
kaya un balik loob ky tatalino at kay globobo no choice mga ka ph

swerte sa area na walang traffic masyado.
 
Full coverage Dito samin. Nung bago mabilis. Ngayon sobrang kupad na. Mas mabilis pa Gomo hahaha.
Mas sulit din Gomo at Smart.
 
Ako nag GOMO kahit up to 5mbps lang sapat na sa 5 users kami sa bahay. Naka rate limit yung iba user sa gamit lang nila. Naka live stream parin kahit sabay2x kami. Dati globe walang unli data. Tapos smart sa ompisa lang masaya nag unli dc na c smart. Wala pang DITO sa amin.
 

Similar threads

Back
Top