Ako. Hindi. Meron nag-iinitiate ng first move ang lalake dati sa akin ay mas lalo hindi ko siniseryoso. Babae ako. But hindi ko maramdaman kapag lalake ang nag-iinitiate. Hindi naman lahat ng babae ay katulad ko. Tao lang ako. Iba kase ang perspective ko but depen-depende pa rin. Hindi ko naman nilalahat din na ganoon ang treatment ko toward sa lalake. Hindi naman lahat. Nagkataon kase na másáráp na meron malayang pagpapahayag ng sariling damdamin at hindi pinipigilan, hindi suppress.
másáráp ng feeling na gagawa ng video para sa tao mahal mo, gagawa ng poem para sa tao mahal mo, másáráp.... másáráp mag-express. Hindi suppress. Sa lalake, ayos lang din mag-initiate sa akin pero based on my experience, yung lahat ay binibigay na niya, nag eexpress siya ng bongga-bongga.... appreciate ko naman pero yung sinasabi mo na mas lalalim ang pagmamahal ng babae, sa akin ay mas napapa isip ako. Napapa-isip ako dahil parang wala ng challenge. Parang wala ng spark. Parang nagiging empty ako at napapa isip ako kung meron ba itong balak o wala. Like I said, hindi lahat ng lalake ay ganoon ang treatment ko ha? Hindi lahat. Alam ko, ang lalake ay ganoon din. Some men ay kapag pinapangunahan sila, wala na silang challenge. Nagka reverse lang kami. Siguro bilang babae, I just want to be free kung ano at kung sino ako na ayaw ko napapaloob sa ano man stereotype na kung ano ang pagiging babae dapat na ebahave.
For me kase, hindi na ako free. Gusto ko kase free ako sa point of view ko, sa pagpapahayag ng damdamin. Nagsusuppress lang ako ng feelings depende lang sa sitwasyon like kapag ang boyfriend ko ay rationalize mag-isip, ayun, nahihiya ako mag-express. Nag eexpress ako through creating a video just for him. Yung boyfriend ko ay walang ginagawa as in pero mahal niya ako, kaya hindi kami nag-aaway. Matalino siya at wala siyang hilig sa drama. Hindi siya expressive. Ako lang ang expressive pero ingat ako na hindi mapa sobra dahil alam ko na wala siyang hilig sa drama. Kaya mas nakaka challenge ang boyfriend ko dahil hindi siya expressive and the reason why sobrang mahal ko siya.
Actually, sabi nila dito, matalino raw ako kaya nga, meron ata ako napa-away, hindi ko maalala. But ang boyfriend ko mas matalino sa akin, challenging siya, ewan ko, but na in love ako dahil sa pagiging matalino niya. Hindi siya expressive pero satisfied po ako. Kahit hindi siya expressive, mataas naman ang understanding niya sa akin. Matalino kase. Kaya nga ako suportahan sa kahit anong idea ko then kapag wala akong alam, siya ang magpapaliwanag sa akin as long as alam niya.