What's new

Okay paba mga nagoonline class?

ledin

Elite
Okay pa 'ko. Mas pabor sa 'kin ngayon. Siguro dahil sanay na ako kahit no'ng F2F pa lang sa independent learning.

Hassle dati byahe eh. Magastos pumasok. Ang daming fees na wala namang totoong connect sa acads. Kahit phone/tablet lang gamit ko, masasabi kong namamanage ko nang maayos lahat ng gawain ko ngayon. Mas nakakapag-aral na ako. Yung oras na nauubos dati sa byahe, nagagamit ko na ngayon sa pag-aaral. Hindi na ako late. Hindi na ako nakakamiss ng deadlines at mas nakakafocus ako sa gawain. Hindi na ako nadidistract. Hindi na ako napepressure. Tsaka isa pang gusto ko e bawas gastusin sa part ng magulang ko dahil nakapahinga sila sa pagbigay sa 'kin ng allowance. Wala rin gastos sa uniform. Wala silang binabayarang kung ano-ano na walang kwenta. Hahaha.

Naiintindihan ko yung mga estudyante na gusto nang mag-F2F kasi totoong mahirap talaga ngayon para sa karamihan lalo na yung mga kulang ang gadgets, mahina/walang connection, at yung mga hindi sanay sa independent learning. Malapit naman na yata bumalik sa F2F, TS. Kaunting tiis na lang.

Pero, personally, hesitant pa ako sa F2F classes. Iniisip ko kasi na baka mas tumaas cases. Baka mas mahirap nang i-control at i-trace kumpara ngayon kapag nag-F2F. Takot ako na baka ako pa makadala ng sakit sa bahay. Naaawa ako sa magulang ko. Isa pa, mas malaki ang gastos magka-COVID kaysa sa tuition. Sana may options na lang para sa hindi pa ready o hesitant. Haha.
 
shinhue

Established

Hassle talaga yung byahe huhu.
 
Top