Hindi kita tinawanan sa sagot mo sakin. Natawa ko kasi sinabi mo nahabaan ka sa sagot ko, pero binasa mo parin. Kaya nga nagpasalamat ako sayo sir diba? At kita mo, ibang sentence yung sagot ko sayo? Masaya lang ako kausap ka nung sinagot kita kasi maayos ka kausap. Nilinaw ko lang yung beliefs namin, hindi naman sa kinorek kita. So kung feeling mo nakalabit ko yung pride, sorry pow
Kasi nga may pag-asa na binibigay ang Diyos sa tao sir.. At para sa mga hindi kumikilala at sumusunod sa pamantayan niya, kamatayan. Yung mga nasa 'gehenna' status sa paningin ng Diyos, wala ng pag-asa mabuhay sa paradise na pangako niya. Yung mga aabutan ng armagedon naman na walang pagsisisi at hindi kikilala sa kaniya, mamamatay at walang chance din sa paradise na pangako niya. Simple as that. Direct to the point.
Isa pa, yung mindset na ganyan, okay naman yan. Pero hindi mo parin maikakaila na hindi sapat ang material things or fame or power dito sa mundo para maging masaya talaga at ma-satisfy ang tao. Anyway, di ko na palawakin yan
See? Kahit ikaw umiiyak. Kasi lahat ng tao ganyan mararamdaman talaga. Naiintindihan kita jan dahil namatayan narin ako ng mahal sa buhay sir
Nope. Umiiyak din kami kapag namatayan kami ng mahal sa buhay. Last week, namatay yung bff ng father ko na very close din sakin. Umiyak ako. Masakit. That's the reason why God gave us the hope to live in earthly paradise, where there will be no death, sickness, etc. Ang kaibahan lang namin sa ibang tao, may inaabangan kaming pag-asa sa future
Sir... napakalaking issue ng nangyari sa Eden. Sobrang laking issue na hindi lang si Adan at Eva at ahas ang sangkot..Yun ang issue na sinasabi kong kailangan mong maunawaan sir para masagot ang mga tanong mo
Pansin mo sir, lagi kita sinasagot? Kasi maayos ka po kausap.. Nagtatanong ka. Kaso ikaw yung nagsabi kasi na 'may nakikita kang butas'. So ang tingin ko talaga naghahanap ka lang ng butas. Kung may hindi ka naiintindihan, pwede kang magtanong uli, sinasagot ko naman. Pero kung ang hinahanap mo ay butas, mali yung ganyang mindset
Isa pa, naalala mo sir, sinasabi ko na 'kung gusto mo malaman ang sagot, ipapaliwanag ko sayo, BUT NOT HERE'. Sa ibang thread na doon tayo nag usap, sinasabi ko yan. Kasi hindi ito ang lugar para sagutin ko yan. Sa maniwala ka o hindi, may nag PM sakin dito sa PHC nung isang araw na gusto malaman yung sagot sa mga tanong niya. So nag usap kami through PM. Tas kagabi magkausap kami through chat sa telegram. Doon makikita na interested talaga yung tao at sa paraan niya ng pagtatanong. Dito kasi sa forum, nope, this is not the place for that. Kung interested ka talaga malaman ang sagot at yung sinasabi kong connected lahat, gusto ko makita yung sincerity mo. Dahil may nagtatanong na ang hinahanap lang ay i-mock ang beliefs ng iba, or naghahanap ng butas. Yan ang reality. Proof ay yung napakaraming thread sa PHC na laging nagbabangon ng tanong pero butas ang hinahanap. Sana hindi ka ganyan
Yes binura ko. Malalim na kasi yan. Kaya kong i-explain sayo yan. At yes, EKSAKTO yung mga salitang naka-record sa bible na sasabihin nila sa future, at EKSAKTONG EKSAKTO ang sinasabi at pino-propose nila ngayon. Hindi mo ma-a-appreciate yan kung hindi mo maiintindihan yung pinaka-issue sa Eden. Kung interested ka po talaga sir malaman yung sagot, may tamang lugar at may tamang mindset jan. Hindi ka naman magiging uto uto e. Pero kailangan ng humbleness at genuine interest kung gusto mo malaman ang sagot.
AT HINDI DITO. Connected parin yan sa issue sa Eden
Ikaw kasi yung nagsabi na 'may nakita na naman akong butas'.. Hindi kasi ganyan yung tamang mindset para malaman mo ang sagot sir. Willing ako sagutin ang mga tanong mo. May work din ako, busy din, iba pang bagay, pero binigyan ko ng time sagutin yung mga tanong mo kasi maayos ka naman magtanong sir. Kung nasagi man yung pride mo sa pag clarify ko lang ng beliefs namin, sorry. Pero kung gusto mo talaga malaman yung sagot, this is not the place for that
Di ko kilala yang si goodboyanam pero alam kong pareho kami ng beliefs kaya nung sinagot mo siya ng ganon, 'umepal' ako. Hinahanapan mo ako ng butas, mali kasi yung ganyang mindset sir. Kung hindi ako/kami at ang paniniwala ko ang magsasabi ng sagot sa tanong mo, sige hanap ka nalang sa iba. Di ka kaya sagutin ng may ibang paniniwala at religion sa mga simpleng tanong mo na mukang 'tricky' questions. Siguradong malilito ka lang lalo haha. Pero may sagot jan. Kailangan mo lang ng humbleness at sincere interest para malaman ang sagot
1. Natawa ko sa umepal again haha
2. Natawa naman ako, issue pa sayo yan sir?
3. Ikaw ang nagsabi na hinahanapan mo ko ng butas. Yan oh..
4 & 6. Kayang kaya ko ipaliwanag sayo yung Eden at sinasabi kong EXACT WORDS na sinabi ng UN ngayon sa tulong ng bible. Pero hindi ko kasi makitaan ng humbleness, genuine sincerity, at tamang mindset yung paraan ng pagtatanong mo sir, kaya hindi ko kailangan sagutin sayo DITO sa FORUM NA TO yang mga detalye na yan. Again, sinasabi ko na willing ako sagutin yan, pero kung hindi makikita sayo yung tatlong binanggit ko, useless lang
7. At wala rin ako planong sagutin talaga sayo yan. In the first place, pwede ko sagutin yan sayo agad nung umepal ako e pero di ko ginawa hahaha
Again.
Kung tinamaan ang pride mo sa isa sa mga sagot ko, sorry. Maayos ka naman kausap sir. Pero try mong balikan yung mga paraan mo ng pagtatanong at ibang sinasabi mo like 'hanap butas' para makita yung dahilan bakit ko sinabi na mukang naghahanap ka lang ng butas (bukod sa ikaw mismo nagsabi). Anyway...
Willing akong sagutin ang mga tanong mo kung may sincere interest at tamang mindset ka sa paghahanap ng sagot sa mga tanong mo. Yung humbleness para maunawaan mo ang sagot. Hindi ka magiging uto uto na tanggap ka lang ng tanggap ng sasabihin sayo. Pero kailangan may tamang mindset ka. HINDI KO DITO KAILANGAN SAGUTIN YUNG MGA TANONG MO. Nope, di ito ang lugar para jan
Sige po salamat sa panahon mo sir at masaya ko nakausap ka
PS: Alam mo bang may binalita ngayon yung wasingtonpost tungkol sa mga ibang religion sa nangyayari ngayon sa corona virus? Hehehehehe. I mean, wala lang SKL sir. Sakto lang kasi uli yung sabi ng bible e. Sige po byeeeeeeee