What's new

Paano mag Lucid Dreaming?

kung lucid dreaming lang try mo to. sa akin effective sya. Regular yung oras ng tulog mo mga 10pm to 11pm mag set ka ng alarm ng 3am madaling araw. magtabi ka ng notebook at ballpen sa gilid ng kama mo. Pag nag alarm na bangon ka tapos mag sulat ka ng 3 to 4 objects na related sa panaginip mo then tulog na ulit agad. kinabukasan pag gising mo kunin mo notebook mo check mo yung list ng object tapos alalahanin mo. ulit ulitin mo lang to hanggang sa mapapansin mo naaalala mo na buong panaginip mo. next nyan after mo matulog from alarm aware kana sa panaginip mo at pwede mo na gawin doon lahat ng gusto mo.
Yung nasa taas 2nd level ng lucid dreaming na yun. Yun ay astral projection na. sobrang delikado nya dahil pwedeng hindi kana makabalik. Aside doon pag tapos mo mag astral at makabalik ka makakaramdam ka ng sobrang panghihina at iritable pa.
Good luck.
 
naku lods 3 beses kong sinubukan yan pramis,
but i ended into paralyze sleep yung pinaka last experience ko is may umiiyak pa sa labas ng pinto namin.ganto boss tips ko kung sumubok
ka tas na paralyze sleep ka pumikit ka lang boss wag na wag mong bubuksan agad mata mo kasi yung isip mo mag create lang yan ng image dahil sa kaba mo,hintayin mo munang mawala paralyze tsaka wag ka magpadala agad sa kaba.ako nag tapang tapangan pa ako eh para lang mawala
 
di naman ganyan ang sleep paralysis, kung gusto mo humiga ka tas yong kanang kamay mo gawin mong unan (make sure wraist yong nahihigaan ng ulo) then yong isang paa mo (left side naka baluktot pataas) the rest is at ease na naka tihaya or naka straight ( dapat pagod din katawan mo) bakit ganyan? nalilimitahan yong pag daloy ng dugo dahil naipit ang wraist mo( mostly sa binabangogot pero walang sakit ay ganyan ang porma ng katawan.)
 
na prove na yang sleep paralysis lods hehehe ,at kung gusto kung matakot ginagawa ko yan, due to less oxygen at tulog ka at naka REM(random eye movement) pag pagod ka, magegenerate yong utak mo ng structural images, at magigising ang diwa mo. pero di ka makagalaw dahil yong utak mo di maka isip kung paano, but your fingers can help you with it since less oxygen need ng fingers.
 
Tors, basically para matuto kang mag-lucid dreaming kailangan mong sumunod sa tatlong routine na ito araw-araw; una pagsasagawa ng reality check, ito yung routine na pagtatanong sa sarili natin kung tayo ba ay nasa panaginip o katotohanan sa pang-araw-araw na pamumuhay, mga 20 times sa isang araw at unti-unting bawasan kapag naramramdaman mong nagiging subconscious na yung proseso, pwedeng gawin habang nasa biyahe ka, o kumakain ka, pagkagising sa umaga, bago maligo ikaw bahala kung saan ka komportable, halimbawa ng reality check na pinakakilala, pag-sundot ng daliri sa palad, tanungin ang sarili nanaginip ba ako sabay sundot ng hintuturo sa gitna ng palad, oo alam mong gising ka pero ginagawa mo nga ito para matatak yung proseso ng pag-reality check sa subconscious, pwede ring pagpitik sa tenga, bahala ka basta gawin mong routine yun sa isang araw, mas maraming uri ng reality check mas okay; pangalawa pag-tulog sa gabi sa iisang oras, maganda ang 9 PM o 10 PM, wala dapat kahit anong liwanag sa paligid, mas madilim mas okay at magsi-set ka ng alarm apat hanggang anim na oras mula pagtulog mo kung 10 PM ka natulog mag-alarm ka ng 2 AM - 4 AM, bakit, kasi dyan sa pagitan ng oras na yan ay malalim na ang panaginip natin, ikaw magtantiya ng oras kung sa 2 AM ay madalas simula pa lang ng panaginip gawin mong 3 AM ang alarm kung hindi pa rin ok, gawin mong 4 AM, bago matulog maglagay ng isang notebook bilang dream journal at pen sa tabi; pangatlo, pag-tala sa dream journal, sa pag-gising natin sa alarm isusulat natin sa dream journal kung ano yung napapanaginipan natin, i-describe mo ng mabuti sa journal, makakatulong ito para mas ma-train yung sarili mo sa pagtatanda ng mga napapanaginipan mo at makita yung mga pattern sa mga panaginip natin para malaman kung bakit mo ba napapanaginipan ang isang bagay. Paano papasok yung lucid dreaming sa mga routine na yan, doon sa ikalawang routine yung sa pagtulog, kapag gising mo sa alarm at pagsulat sa journal bumalik ka sa higaan at pumikit, mag-isip ng isang panaginip na gusto mong mapanaginipan at pumili ng isang bagay sa panaginip na yun na ilalagay mo sa isipan mo halimbawa lumilipad ka, habang iniisip mo iyun sabihin sa isip na mananaginip ako ng paulit-ulit, gawin mo lang yan paulit-ulit hanggang masanay ka at maging aware ka na sa panaginip mo na nanaginip ka lang.
 
Last edited:
Ano kaibahan neto sa bangongot?ako gabi gabi ako binabangongot pero so far kaya ko pa naman hahaha
 

Similar threads

Back
Top