Hindi mo malalaman kung iiwan ka or hindi, gagawa ka ng paraan para di ka iwan. Dalawa kasi kayo sa relasyon, dalawa kayong nagtutulungan para gumawa ng matatag na pundasyon. Syempre kung takot ka mawala ang isang tao, aalagaan mo sya, mamahalin mo, iintindihin mo na may kanya kanya din kayong buhay sa labas ng relasyon nyo at ang pinaka importante, lagi kayong hihingi ng guidance kay Lord para makayanan nyo dalawa.