Kapatid, in my opinion, hindi lang ang mga biblical citations gaya ng John 3:16 ang batayan para sa kaligtasan. napakarami kung magsusuri ka pa.Kaibigan hindi relihiyon ang ililigtas ng Diyos. Bakit? Kung relihiyon lang pala ang ililigtas ng Diyos, sana hindi na binigay ng Ama ang kanyang kaisa-isang anak na si Jesus para iligtas ang tao. Nilikha ng Diyos ang tao na perfect pero hindi tulad ng isang robot, dahil meron tayong free will na kung saan tayo ang magpapasya kung ano ang ating gagawin mabuti man to o masama. Nagkasala ang tao dahil sa pasuway ni adan sa Diyos dahil sa nalinlang sya ng ahas. At dahil sa nagkasala ang tao nawala yun relasyon niya sa Diyos na ang kasalanan na yun ang magdadala sa tao sa kamatayan, kaya may mga taong namamatay. Ngunit sa kagandahang kaloob ng Diyos binigay niya ang kaisa isa niyang anak na si Jesu Cristo para tubusin ang tao sa kasalanan. Dahil tao ang nagkasala, si Jesu Cristo ay Diyos na nagkatawang tao bilang pambayad sa kasalanan na ginawa ni adan. Si Jesus ay walang kasalanan, ngunit ginawa syang kasalanan para matupad ang kasulatan. Kaya nga pinako siya sa krus at namatay, ngunit sa ikatlong araw siya'y muling nabuhay at yun ang nagbigay pag asa sa mga taong nananalig sa kanya, na sila rin ay bubuhayin ng Diyos sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus para isama sa kanyang kaharian sa langit. Tanggapin natin si Jesu Cristo ng buong puso bilang Panginoon at tagapagligtas at sumunod sa kanyang inuutos. God bless!