Pakiusap
Nangingilid na luha
Na halos wala nang makita
Hindi mapigilan ang nadarama
Bakit hindi man lang mahalata?
Sa kakaisip sa iyo
Sumasakit na ang aking ulo
Nawawala na sa tuliro
Nasasaktan na ko. Sana lang alam mo
Kung iiwan mo ako
Isa lang ang pakiusap ko
Sa harap ko, sabihin mo
Na ayaw mo na, at lilisan na ako.
Ngunit nais ko lamang na iyong malaman
Ikaw lamang ang tanging laman ng isipan
Mahal kita iyong pakatandaan
Manatili ka man o kung ako'y iiwanan.
Nangingilid na luha
Na halos wala nang makita
Hindi mapigilan ang nadarama
Bakit hindi man lang mahalata?
Sa kakaisip sa iyo
Sumasakit na ang aking ulo
Nawawala na sa tuliro
Nasasaktan na ko. Sana lang alam mo
Kung iiwan mo ako
Isa lang ang pakiusap ko
Sa harap ko, sabihin mo
Na ayaw mo na, at lilisan na ako.
Ngunit nais ko lamang na iyong malaman
Ikaw lamang ang tanging laman ng isipan
Mahal kita iyong pakatandaan
Manatili ka man o kung ako'y iiwanan.