Alam na nga ng GF mo na may gusto 'yong lalaki ayaw pa niya layuan.
'Magtatampo 'yong barkada kapag hindi sasama sa gala/inuman.' Syempre barkada rin nila 'yong lalaking umaaligid sa GF mo and aware ka pa pala na shiniship ng mga barkada niya silang dalawa.
Kung ako diyan sa GF mo lalayuan ko na rin pati sila. Bad influence mga barkada niya. Tinotolerate nila mga ganu'ng gawain alam na ngang may BF 'yong kaibigan nila.
Take note, nag-iinuman pa pala sila. Mahirap kontrolin ang emosyon kapag lasing, tandaan mo 'yan.
Kahit may tiwala ka sa gf mo mapagkakatiwalaan din ba 'yong mga barkada niya? Mapagkakatiwalaan mo rin ba 'yong umaaligid sakaniya?