What's new

Pano magtanim ng malunggay na galing sa cuttings

Bold

Eternal Poster
Joined
Dec 2, 2021
Posts
1,218
Solutions
2
Reaction
971
Points
441
1. Pagkaputol eh tabi niyo muna for at least 12hrs sa lilim para maghilom ang sugat.
2. Kung tatanim direct sa ground eh minsan lang diligan pagkatanim.
3. Kung sa container itatanim eh once a week lang diligan. Wala pa ugat yan kaya wag dilig ng dilig.
4. Mas ok na may halo 50% sand ang soil mix dahil maganda ang drainage. Ayaw ng malunggay ang babad sa tubig.
5. Kung galing sa buto naman ang tanim na malunggay eh antayin muna matuyo ang lupa bago magdilig. Kung sa ground nakatanim maski wala ng dilig dilig.
 
Back
Top