Para sayo Irog
Ni: Mr JCen
Ating mundo’y patuloy na umiikot
Sa mundong puno ng misteryo’t kilabot
Iyong kamay aking pilit inaabot
Kahit aking sarili’y puno ng takot
Pilit kong sinusuyo yung ama’t ina
Makamit ko lang pagsang-ayon nila
Tradisyunal na pagsuyo ay gagawin
Kahit na bundok ay aking lalakbayin
Makita nila sayo pursigido din
Sakin sila’y wala ng dapat isipin
Sapagkat ikaw akin rin mamahalin
Puso’y pinatibok babaeng mahinhin
Akin pagsuyo sayo ay gagawin din
Pag-sagot ng “Oo” akin din aantayin
Matagalan man ito ay kakayanin
Sapagka’t ikaw ay magiging akin din
Ikaw Irog sa Altar ko aantayin
Sayo’y mangangako ika’y bubuhayin
Sa hirap, ginhawa ito’y kakayanin
Hanggang sa pag-tanda ika’y aakayin
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.