What's new

Poems Patuloy Lang

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,980
Solutions
6
Reaction
66,471
Points
16,648
Ganun naman talaga dito sa mundo,
iba't-ibang uri ng tao makasalamuha mo,
yung iba feeling perpekto,may mga mapanghusga
sa iyong pagkatao,akala mo naman may ambag sila sa buhay mo,


Tanggapin mo na lang na lahat ay mga masasabi pa rin,
sa bawat kilos, galaw mo at mga hangarin,
matuto na lang tayong magpakumbaba minsan,
para anumang sigalo't ay maiiwasan,

Sa gitna ng mga kabiguan at kasawiang iyong nararanasan,
may pag-asang uusbong ,wag mo mo lamang susukuan,
alam ko kaibigan ,mabigat ang iyong pinagdadaanan,
ok lang ,lilipas din lahat yan,

Sa mga sawi sa pag-ibig at muntik ng bumitaw,

iiyak at ilabas mo lang yan,upang pangungulila'y ,maibsan,
alam ko mahirap at di ganun kadali,
lalo na sa taong mahal mo ika'y di pinili,

Ganyang naman talaga minsan ang buhay,
may sakit,saya at lumbay na kaagapay,
ok lang yan,di ka nag-iisa,lahat naman tayo diba?
patuloy lang sa paglalakbay,
sa daang iyong tatahakin,
makakamit mo din ang matagal mo ng pangarap at mithiin.



♥️~Professora Akira~♥️
 

Similar threads

Back
Top