What's new

Help Poco m3 Deadbot, di nagawa ng technician :(

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Joined
Nov 13, 2014
Posts
21,742
Solutions
1
Reaction
303,363
Points
35,233
Mga lods pahingi po ng payo. Nadeadboot kasi yung m3 ko last week and nung unang deadboot nya nabuhay ko pa using volume down+power. Tas nung 2nd deadboot na hindi ko na mabuhay. Nung dinala ko sa technician sabi nya nung makalikot nya reball nadaw ang gagawin tas nung binalikan ko na ngayon is di nagawa yung poco m3. Dalwa na daw silang nag tingin nung kasama nya. Wala naman ako binayaran sa knya pero kung nagawa 3.5k daw.

Sa tingin nyo, may chance pa kaya to magawang ibang tech kung sinukuan ng ng dalwa. Tas sadyang may pwesto sila sa bayan namin. Talagang madami na din silang customer na nagpapagawa. Or bili na lang ako bago 😅
 
Hi! Naiintindihan ko ang pagkabahala mo sa sitwasyon ng Poco M3 mo. Sa ganitong kaso, maaari mong subukan na dalhin sa ibang technician ang iyong phone para sa pagsusuri at posibleng pag-aayos. Hindi lahat ng mga technician ay pare-pareho ng expertise at karanasan sa pagre-repair ng mga mobile phones, kaya't may posibilidad na ang iba pang tech ay may ibang solusyon sa isyu ng iyong phone.

Narito ang ilang mga payo upang maging mas epektibo ang iyong paghahanap ng tamang tech para sa iyong Poco M3:

1. Magtanong ng rekomendasyon: Maaring magtanong sa iyong mga kaibigan, kamag-anak, o kapitbahay kung alam nila kung saan may magandang technician na maaaring magawa ng tamang trabaho sa iyong phone.

2. Mag-search online: Maaari kang maghanap ng mga reviews online sa mga iba't ibang repair shops sa inyong lugar. Maaari kang magtanong sa mga forums o social media groups para sa mga rekomendasyon.

3. I-check ang background ng technician: Siguraduhing magtanong ng mga detalye sa background ng technician tulad ng karanasan, mga naayos na devices, at customer feedback.

4. Humingi ng estimate: Bago mo ipadala ang iyong phone sa technician, siguraduhing humingi ka ng tantiya kung magkano ang magiging gastos para sa posibleng pag-aayos. Ito ay para maiwasan mo ang mga hindi inaasahang bayarin.

Sa huli, kung sa tingin mo na hindi na talaga maayos ang iyong Poco M3 at hindi ito worth it na paglaanan ng malaking halaga para sa pag-aayos, maaari mong isaalang-alang ang pagbili ng bagong phone. Subalit, kung mahalaga sa iyo ang laman ng iyong phone at may iba ka pang pagpipilian, puwede mo pa ring subukan na ipagawa ito sa ibang technician bago magdesisyon na bumili ng bago. Sana makatulong ang mga payo na ito sa iyo!
 
Yung experience ko sa deadboot, soldering iron lang sa may battery/swap battery, or sa power button replacement.

Pero if worth 3.5K, bili kana lang bago, makakabili kana 6gb/128gb na cp sa price range na ganyan
 
same isue idol poco x3 pro akin ng deadboot den dinala ko sa mga labas labas binaklas nila then di nila kaya need daw reball dinala ko sa sm 2300 kuha sakin pero na ok namn mag 1 month na den ok pa nman
 
Yung experience ko sa deadboot, soldering iron lang sa may battery/swap battery, or sa power button replacement.

Pero if worth 3.5K, bili kana lang bago, makakabili kana 6gb/128gb na cp sa price range na ganyan
Nag aask pako sa isa. Pang tech na nakita ko sa. Fb na nakagawa ng. Poco m3 before.. Wait ko lang sya mag reply. Sayang kasi pics at ibang files ko dun

same isue idol poco x3 pro akin ng deadboot den dinala ko sa mga labas labas binaklas nila then di nila kaya need daw reball dinala ko sa sm 2300 kuha sakin pero na ok namn mag 1 month na den ok pa nman
Sana pwede pa magawa ung sakin. Sana walang nasirang pyesa sa pagkakalikot nung unang tech na sumilip

Sirain talaga yang POCO M3. I think naka-receive ng lawsuit ang POCO dahil dyan.
Grabe sakit sa ulo neto. Pero ano balita mo sa. Ibang unit nila lods and pati xiaomi redmi brand mismo. Meron kaya ganong issue?

check mo sa YT mga tutorial about sa ganyang issue TS. kelangan mo lang ng Hot Air tool
Nakita ko ung unang ginawa nung tech. May gamit sya tool na pampainit yata. Then mung hindi nag ok e reball na daw

Yung experience ko sa deadboot, soldering iron lang sa may battery/swap battery, or sa power button replacement.

Pero if worth 3.5K, bili kana lang bago, makakabili kana 6gb/128gb na cp sa price range na ganyan
Balak ko na bumili bro tas bigla ko naisip sayamg mga laman. Need ko muna ipaayos
 
Last edited:
Poco m3 rin here lobo na battery, kusa ng natuturn off naipareplace ko na batt neto dati pero nangyari uli
 
Grabe naman yan boss, ang mahal 3.5k, Sakin 2500 lang pinareball ko sa dati sa poco ko, iniwan ko ng isang araw sakanya, ayun after isang araw nag chat yung technician sakin na ok na daw yung phone ko, Until now buhay pa naman, Depende siguro yan sa technician paps,
 
I used pico m3 before and got an same issue as yours

Ginawa ko lang dati di ko ginamit phone ko mga ilang days para ma drain yung battery tapos after ma drain charge mo siya habang dinidiinan yung power button. Ayun gumana tapos binenta ko na agad
What a solution ah hahahahahhaha
 

Similar threads

Back
Top