Hello po may tanong lang po ako if pwede ba i leave on yung mga prepaid wifi modem kagaya ng Globe ZLT-S10G 24/7, straight everyday. Makakasira po ba siya ng sim pag mag ganyan? Kasi na experience ko sa aking PLDT / SMART R051 prepaid wifi modem nagloko na yung sim ko kasi naka on siya everyday for 1 week pagkatapos nagwawala na yung signal nya tas nag REQUIRE PIN kada wala ng signal like every 30 minutes or 1 hour. Di ko alam kung sa overheat yun o manufacturing defect lang talaga. Sayang naman kasi naka unlifam 999 yun eto bumili nalang ako ng Globe ZLT -S10G na may gomo unli 30 days. Gusto ko kasi i overnight para maka afk farm yung character ko sa MIR4. Hindi naman mainit yung room ko, may fan naman. Salamat po sa pagbasa!