What's new

Help Printing Business Pricing

tamtam_661

Honorary Poster
Established
Joined
Nov 4, 2016
Posts
265
Reaction
103
Points
155
May printing business kami ng asawa ko sa isang maliit na barangay. Yung typical lang na print, photocopy, scan. Isang buwan na rin namin ino-operate kasabay ng sinalo naming sari-sari store ng parents niya. Tanong ko lang anong thoughts niyo sa pricing namin: P5/page no color; P10/page colored depende sa laki ng colored area/picture; P3/page photocopy; P5/page scan.

Additional information: kami yung pangalawang store na nag-o-offer ng printing pero kami lang yung may scan at photocopy. Malapit kami sa school kaya malakas ang benta sa mga nagpapaprint na students pero ang pinakamalakas so far is yung photocopy (lalo na mga teachers at mga taga-doon na nag-a-apply mag-abroad). Sa totoo lang wala kaming pinagbasehan sa presyo kaya di ko alam kung maitataas pa namin yung singil namin o tama na ba to.

Ask ko na rin ano pa thoughts niyo na pwede naming idagdag na service gamit yung printer. Naisip namin invitations pero may nakagawa na ba dito gamit Epson L3250 na printer or equivalent?

Salamat
 
Ok naman yung price mo, add ka siguro ng Rush ID, Encoding saka research, sa encoding naman nasa 10 to 15 pesos per page yung singil ko. sa research naman 80 pesos per page.
 
mas ok kung yung printer mo na pang black and white yung industrial grade na napwde din magcopy and scan at yung toner gamit para mas matipid.
 
ilan pricing no sa photo printingm


3r 4r 5r a4
47498d6b2f4772346567c8b665686b6c.jpg
 

Attachments

Epson L3250 pero mukhang mag-uupgrade kami to Epson L5290 para pwede na photocopy and scan ng long bond paper.
same tayo ng printer. L3250. bihira lang naman sakin nag papa scan ng long. pero pag meron, twice ko iniiscan tapos ipagdudugtong ko sa photoshop. pwede din naman sa word. crop lang.
 
Epson L3250 pero mukhang mag-uupgrade kami to Epson L5290 para pwede na photocopy and scan ng long bond paper.
Okay lang po ba Epson L3250? Gano napo katagal nyo gamit yan? Balak ko kasi bumili din ng Epson L3250, pang print2x din sana panimula.
 
Ok naman yung price mo, add ka siguro ng Rush ID, Encoding saka research, sa encoding naman nasa 10 to 15 pesos per page yung singil ko. sa research naman 80 pesos per page.
what do you mean po about sa rush id, encoding and research? may example po kayo? plan ko rin kasi mag open ng printing business

oh okay gets ko na yung sa rush id, yung sa encoding and research po?
 

Similar threads

Back
Top