Unwittingly, tayong users din naman may sala. I mean, kung sensitive talaga ang info natin for online use, bakit andami pa rin sa atin ang gumagamit ng social media gamit ang tunay na credentials?
In fact, sabi nga online, pag ang isang serbisyo nga daw ay "free" sa internet, usually yung information natin ang nagiging currency para sa walang bayad na paggamit na yun.
For example, dahil free for use itong FB, "malayang" gamitin ni FB yung data natin for marketing at commercial purposes. In a sense, kumikita itong FB dahil sa mga info na nakakalap niya na binibigay mismo ng mga tao sa kanya pro bono.