What's new

Help Redmi Note Phone Issue

JuiCee

Eternal Poster
Joined
Oct 5, 2017
Posts
836
Reaction
2,398
Points
511
Hi! Good evening sa mga bossing na technician po dito :)

Ask ko lang po yung issue sa Redmi Note phone ko, 4 years na sya sakin and smooth talaga gamitin until nag update ako from MIUI 13 TO MIUI 14 tapos ilang araw lang hindi na gumagana yung rear cam nya pero yung front okay pa naman. Black screen lang then mag force shutdown yung camera app pag nilipat sa rear cam. Then after 2 weeks, yung bluetooth ko naman yung may issue, nagkokonect sya but pag nag pa-music na ako hindi na sya nag p-play sa kahit anong earbuds and speakers.

I'm open for opinions and recommendations mga bossing! Salamat ng marami :)
 
Magandang gabi po! Ang isyu sa inyong Redmi Note phone na nag-umpisa matapos mag-update mula sa MIUI 13 patungo sa MIUI 14 ay medyo kakaiba. Ito ay maaaring dulot ng mga sumusunod na mga problema:

1. Software Incompatibility: Ang pag-update ng MIUI software ay maaaring magkaroon ng mga incompatibility issues sa inyong camera at bluetooth. Maaaring hindi compatible ang mga bagong software update sa kasalukuyang hardware ng inyong phone.

2. Firmware Glitch: Maaaring may mga glitches na nagresulta sa hindi gumagana ng inyong rear camera at bluetooth. Ang mga glitches na ito ay maaaring dulot ng maling pag-update o iba pang mga isyu sa software.

3. Hardware Damage: Kahit na ang inyong phone ay smooth gamitin bago ang update, maaaring mayroong nag-iba sa hardware nito pagkatapos ng update. Maaaring may sira o malfunction ang inyong rear camera at bluetooth module.

Isa sa mga unang hakbang na maaaring gawin ay ang i-clear cache ng camera app at bluetooth settings. Pwede niyo itong gawin sa pamamagitan ng pagpunta sa "Settings" > "Apps" > "Camera" at "Bluetooth" > "Storage" > "Clear cache." Pagkatapos nito, subukan ulit gamitin ang mga ito at tingnan kung gumagana na.

Kung hindi pa rin gumagana ang inyong rear camera at bluetooth, maaari niyo subukan ang sumusunod:

1. I-restart ang phone: Simple ito ngunit maaaring makatulong sa pag-reset ng mga temporary software issues.

2. I-update ang software: Siguraduhin na ang inyong phone ay naka-update sa pinakabagong MIUI version. Maaaring may mga bug fixes na kasama sa mga updates na ito na maaaring maayos ang problema.

3. I-reset ang phone sa factory settings: Kung wala pang pagbabago, maaaring subukan ang pag-reset ng inyong phone sa factory settings. Subalit, tandaan na ito ay magbubura ng lahat ng inyong data, kaya't siguraduhin niyo na may backup kayo ng mga importanteng impormasyon.

Kung pagkatapos ng mga hakbang na ito ay hindi pa rin gumagana ang rear camera at bluetooth ng inyong Redmi Note phone, maaaring kailangan niyo dalhin ito sa isang authorized service center para masuri at maayos ang problema. Sila ang mga experto pagdating sa hardware at software ng inyong device.

Sana makatulong ito sa inyo! Kung mayroon pa kayong ibang katanungan, huwag mag-atubiling magtanong. Salamat po!
 
Mostly talaga ganyan mga software updates, marami bugs lalo na kapag mag upgrade ng android version, wait ka nalang talaga sa bago pa ulit na update nila para ma fix...or u can rollback to A13
 
Mostly talaga ganyan mga software updates, marami bugs lalo na kapag mag upgrade ng android version, wait ka nalang talaga sa bago pa ulit na update nila para ma fix...or u can rollback to A13
Nag try na din ako mag downgrade ulit boss from 14 to 13 kaso hindi na talaga na-ayos yung mga issue. Saka incompatible na sa new update yung model ng phone ko. Hardware fault na talaga siguro to haha

downgrate sa 13 ulit bka ma fix yan
na try ko na bossing, hindi pa rin naayos eh
 
Nag try na din ako mag downgrade ulit boss from 14 to 13 kaso hindi na talaga na-ayos yung mga issue. Saka incompatible na sa new update yung model ng phone ko. Hardware fault na talaga siguro to haha


na try ko na bossing, hindi pa rin naayos eh
Na try nyo na po i factory reset? Like after updating to A14, or reset ulit after downgrade sa A13
 
saakin din ang weird kc big nlang nwawala ang mga apps like Gcash . pero pag nag check ako sa playstore installed naman siya . kaya ginagawa ko uninstall at install nlang ulit
 
For sure Redmi Note 10 pro phone mo? Same vibes.
Deadboot na sakin, una hindi na gumagana font cam, then ultrawide, then Bluetooth.
Mababalik pa naman yan thru CPU reballing kaso mahal then you can't assure kung hindi na babalik mga issues.
For me, bili kana lang bago at iwasan mo na mga brand na yan.
 
saakin din ang weird kc big nlang nwawala ang mga apps like Gcash . pero pag nag check ako sa playstore installed naman siya . kaya ginagawa ko uninstall at install nlang ulit
Ganito rin nangyari sa phone ko dati boss pero after ng mga update, umokay na rin. Kaso eto naman problem ko now, mas malala haha

For sure Redmi Note 10 pro phone mo? Same vibes.
Deadboot na sakin, una hindi na gumagana font cam, then ultrawide, then Bluetooth.
Mababalik pa naman yan thru CPU reballing kaso mahal then you can't assure kung hindi na babalik mga issues.
For me, bili kana lang bago at iwasan mo na mga brand na yan.
For sure bossing haha, sayang dami nila issue every update. Lipat na talaga ako brand next time 😅

wait for new updates 😃
Hindi na applicable yung model ng phone ko next update bossing, last update ko na yung MIUI14 😅
 
Ganito rin nangyari sa phone ko dati boss pero after ng mga update, umokay na rin. Kaso eto naman problem ko now, mas malala haha


For sure bossing haha, sayang dami nila issue every update. Lipat na talaga ako brand next time 😅


Hindi na applicable yung model ng phone ko next update bossing, last update ko na yung MIUI14 😅
downgrade paps
 
Redmi note 10 pro unit ko. Yung unang nawala wide camera lang tapos ngayon lahat na ng rear camera hindi gumagana. May nakapag mod rom flash na ba nito?
 

Similar threads

Back
Top