What's new

Trivia Relationship is like Cooking Egg

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,986
Solutions
6
Reaction
66,502
Points
16,653
Kagaya ng pag uugnay natin sa alignment ng btiuin at hugis ng buwan sa ating pagkatao gayun
din ang iba't ibang version ng pagluluto ng itlog at ng isang relasyon o pag ibig.


1. Omelet.
You first whisk the egg bago ilagay sa mainit na kawali tapos ifflip kapag luto na yung kabilang side.

It sounds cliche pero parang ganito yan, bago ka pumasok sa isang relasyon dapat siguradong handa ka na.Handa na ang sarili mo.Gaya ng pagluluto ng omelet,hiindi yung saka mo pa lang babatihin yung itlog kung kelan nakasalang na sa kawali. Learn to fix yourself first. Hindi yung gagamitin mo yung ibang tao para kusa kang mabuo dahil baka sa huli sa kapipilit niyang buuin ka, siya naman ang tuluyang masira. Kailangan mo munang maghilom bago sumubok magmahal ulit. Para kapag okay na okay ka na, kahit ano pang problemang dumating, kahit i-flip ka pa ng ilang beses you will never ever lose yourself again.

2. Baked.
Mag-preheat nga ng oven kaya mong hintayin siguro sa tamang tao din.

Ang classic pakinggan pero minsan hindi sapat na maghintay lang ng tamang tao para sa’yo. Ikaw muna ang kailangang maging tamang tao, hindi para sa iba kundi para muna mismo sa sarili mo. Know your worth first at mahalin ang sarili ng sapat at kusa siyang dadating sa buhay mo kahit hindi ka maghintay.

3. Scrambled
. Minsan omelet naman talaga dapat yung lulutuin mo pero dahil hindi non-stick yung kawali at kinulang ka sa skills para magbaliktad ginawa mo na lang scrambled.

It’s like giving second-chance hindi dahil tinatanggap mong natalo ka o nagkamali siya o dahil nanghihinayang ka kundi dahil naiintindihan mo na kaya pang ayusin ang isang bagay na nasira basta’t pareho niyong gustong ayusin. Nagbibigay tayo ng panibagong pagkakataon dahil minsan the only person who can fix us are the ones who broke us. . Everyone deserves a second-chance but not for the same mistake.

4. Poached
. It’s like boiling but without the shell, or cooking that skips contact with the pan to avoid any hard edges.

Maraming mas madaling paraan para magluto ng itlog pero minsan mas pinipili natin yung medyo komplikado dahil yun ang gusto natin. It’s about life choices. Hangga’t wala kang pinagsisisihan, mananatiling tama ang pinili mo para sa’yo. Kahit anong uri at anyo pa yan, kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Hindi kailangan ang ibang tao para i-validate yung nararamdaman mo. If it makes you happy, it can’t be that bad. Sarili mong puso ang tumitibok anyways.

5. Hard boiled.
Pwedeng pakuluan pero pwede ding isapaw sa nilulutong sinaing. Kailangang orasan para tama ang luto. Dahil saka mo lang malalamang hilaw pa kapag binasag mo na. Yun nga lang hindi mo na pwedeng pakuluan ulit.

Parang pagpasok sa relasyon, kailangan mong ingatan at bigyan ng sapat na oras because being in a relationship is also a responsibility. Hindi lang dahil sa masaya ka. Hindi lang dahil sa kumportable ka. Responsable ka sa pinasok mo pati na din sa taong mahal mo dahil dalawa ka na hindi ka na isa. Hindi yan isang emosyon na nararamdaman, desisyon din yan na dapat panindigan.Dapat na masuis mong pag aralan at bigyan halaga.You need time and focus in order to succeed.

6. Fried or sunny side up.
Binabasag mo na agad yung itlog direcho sa kawali at hinahayaan mong maluto sa mantika nang hindi binabaliktad. Hindi na kailangan baliktarin yung itlog para hindi masira yung pinakadilaw.

If you both want to work things out, always learn to look at the bright ‘sunny side’ of your relationship. Wag nang balikan yung mga pangit sa nakaraan, Isipin mo yon, Dahil kapag pilit mo pang binalikan, baka mabasag lang yung pula maging scrambled pa. Ang mas mahalaga ay ang kung anong meron sa kasalukuyan .


7. Over easy
The egg is fried on both sides so that the egg whites are firm while the yolk remains runny.

Just like in a relationship, yung yolk ang pinaka-core ng pagsasama niyo na kailangan niyong ingatan para hindi mabasag. Pero kailangan manatiling balanse because everyone has their own life. A relationship is meant to enhance and make you grow not to suffocate you. It should be equaly flip on both sides gaya ng relasyon dapat both of you should work on it not just you alone.

8. Soft Boiled.
You boiled the egg for 5-7 minutes so the yolk is spoonable.

Lahat ng bagay ay nadadaan sa tamang timing. Hindi yan dahil sa pareho niyo lang ginusto. May tamang oras para pareho kayong matuto, may tamang oras para pareho kayong maghilom. At dun kayo mas titibay kapag nirespeto niyo ang bawat proseso.Everything takse time ika nga.There is alwasy a right timing for everything as well.




excerpt and paraphrase from israelmekaniko
 

Similar threads

Back
Top