What's new

Replacement lcd hindi maganda ang quality

Tips: Pag gusto nyu same quality yung ipalit sa original phone parts nyu, go to service centers ng mga cellphone brand nyu.

Like mine, nasira yung screen, pinalitan ng bago ng OPPO Service Center, wala namang problema paramg brand new ulit phone ko 🤣
baka naman under warranty pa yung sayo paps kaya puedeng ipalit sa mismong service center ng phone mo.
 
ito rin problema ko sa HUAWEI NOVA 5T ko, mahal na mahal ko yung phone ko pero basag na yung LCD and yung una kong replacement hindi quality ang labo pa then may ghost touch or not accurate touch. san kaya makakahanap ng kahit class A pero makatotohanan sa original yung quality. bulacan area
 
As tech lahat ng lcd replace sa market ibang iba ang quality ng lcd kaysa sa original meron naman benebenta sa supplier namin na original na lcd pero may kunting parin pag kakaiba sa original na galing sa unit mo talaga. Kaya mas better if ok naman ang lcd ng phone mo at screen lang basag mag pa reglass ka nalang pero medyo pricey nga lang.
 
ganyan din sa akin idol, if want mo magandang quality ipalit sa screen mo need mo talaga gumastos para kumuha ng original na lcd kasi if sa cheaer price lang kaya mo class-A lang talaga ilalagay sayo. i recommended na bumili ka nalang bagong phone ☺
 
If ever po mangyari ulit, try niyo muna mag browse sa online shops ng lcd touchscreen kasi yung over priced na presyo ng mga technician presyo lang nila yan. Ex. Nung na basag screen ng samsung a50 ko ,sa technician 2k hingi nya pero no fingerprint yung ipapalit. Sa shopee 1850 lng yung lcd touchscreen may fingerprint scanner na ipapa dikit na lng sa technician. Mas mura compare sa direct technician na agad.

P.s. take risk din mga online shops piliin lng yung sikat at madami reviews
 
welp hndi na kakapanibago ang ganyan .. kung alam nio naman gingawa ng tech kayu nalang gumawa . mag rent nlng kayu ng kung anong need na gamit . pra kapag nagkasira walang sisihan . kasi kayu naman bumili at nagkabit . kayu narin magbabalik kung merong defect 😊 ganyan lang, try nio nalang sa mga service center na legit pra pag nagka anomalya ma balik mo 😊
 
Class A talaga ang lahat ng replacement sa market, nagself-repair ako ng tig-700 na replacement sa Vivo na phone, iba talaga performance, kung hahanap din ako ng defective na unit na oks yung screen is impossible

As for me natatakot talaga ako magpaayos sa mga technicians, aside from baka surprising ang charge e baka manakaw ang data ko
Saan ka po bumili ng lcd??? May sira kaming vivo..bibilhan ko nalang sana lcd kaso di ko sure bilihan
 
Kung ranged yan ng warranty, mapapaayos mo sya ng libre sayang.

pero nako namahalan tas low quality ung pinalit, di ako papayag dyan WHAHAHAHHAHAHA
 
Bumili ka original screen

nag try ako bumili shoppe yung lcd lang na screen pangit talaga 2k lang hindi gumagana fingerprint kasi may extra protection bayun sa likod kaya na block yung fingerprint sa screen.

Sa original naman yung amoled na mahal nasa 6k pero goods na gumagana ulit finger.

Oppo Reno 4 phone ko
 
Mas maganda idol nag canvass ka online,may mga online store na nagbebenta Ng kahit class A pero di nalalayo sa original,medyo may kamahalan din pero sulit nman,hanap ka na lang Ng magkakabit na Alam mong marunong..Naggagawa din ako phone,at kapag replacement Ng screen di ko tinataga sa presyo,Ang importante satisfied Yung customer at quality Yung screen na kinakabit ko.
 
3 times nako nag diy ng phone ko dalil langing basag, nag o order lang ako ako sa online ng replacement na lcd then ako na yung nag kakabit, nag tanong kase ko sa mga shop dito samin at ang mahal ng singil kahit same quality lang naman yung lcd na na o order sa online.
Price sa mga tech ay nag rage sa 4-5k
Pag nag order ka online 700-1500 depende sa shop at sa quality ng lcd.
 
kung gusto talaga na orig, sa service center nalng,
pero kung goal ay maka tipid syempre sa mga cellboy ka pupunta,
 
3 times nako nag diy ng phone ko dalil langing basag, nag o order lang ako ako sa online ng replacement na lcd then ako na yung nag kakabit, nag tanong kase ko sa mga shop dito samin at ang mahal ng singil kahit same quality lang naman yung lcd na na o order sa online.
Price sa mga tech ay nag rage sa 4-5k
Pag nag order ka online 700-1500 depende sa shop at sa quality ng lcd.
battery naman pinalitan ko sakin ako lang din nag DIY

first time mo? dun ka sa mura mapapmura ka talaga ganun lang yun
 
Nakakalungkot naman ang naging karanasan mo sa pagpapalit ng screen ng iyong phone. Mahalaga talaga na piliin ng maingat kung kanino mo ipagkakatiwala ang iyong device. Maraming mga repair shops na nag-aalok ng pagkakabit ng mga low-quality na mga screens, kaya't dapat talaga maging mapagmatyag tayo bilang mga konsumers.

Ang magandang bagay ay sinubukan mong mag-canvas sa iba't ibang repair shops bago ka pumunta sa Cellboy. Maganda rin na nakuha mo ang kanilang presyo na mas mura kaysa sa iba. Gayunpaman, kahit na mura ang serbisyo, mahalaga pa rin na tiyakin ang kalidad ng mga ipapalit na mga bahagi sa iyong phone.

Nakakalungkot na hindi maayos ang mga pinapalitan na screen sa iyong phone. Sa pagkakatanggap mo ng iyong phone mula sa Cellboy, napansin mo na mas maputi ang LCD panel kapag nasinagan ng ilaw kaysa sa orihinal mong LCD na nasira. Maaaring ito ay dahil sa pagkakaiba ng mga uri ng LCD. Sa orihinal mong LCD na Amoled, ang mga kulay ay mas vibrant at mas malalim ang mga ito kapag nasinagan ng ilaw. Ang pagkakapalit ng screen ay maaaring magdulot ng pagkakaiba ng kulay at kalidad ng mga ipalit na screen.

Kasabay ng problemang ito, hindi na nagwowork ang iyong fingerprint sensor. Kahit na tinanggal mo ang mga naka-save na fingerprint at sinubukang maglagay ng panibago, hindi ito nagrerecord nang maayos o hindi ito sensitibo tulad ng dati. Nakakapanghinayang na nasira ang iyong orihinal na LCD.

Hindi lamang iyon ang problema, sinabi mo rin na may mga pagkakataon na biglang umiilaw ng malakas ang iyong phone pagkatapos itong buksan, tapos babalik na sa normal na brightness. Ito ay hindi dapat mangyari at maaring ito ay isang depekto ng papalitang screen.

Ang sensitivity ng screen ay isa pang isyu. Minsan ay hindi ito gaanong sensitibo, at minsan naman ay nagre-react ng hindi dapat. Ito ay hindi katanggap-tanggap at maaring magdulot ng isang hindi magandang karanasan sa paggamit ng iyong phone.

Ang pinakabagong problema na iyong nabanggit ay ang ghost touch sa screen. Ito ay nakakabahala at nagdudulot ng hindi komportableng paggamit ng iyong phone. Sa iyong inis sa pekeng screen, sinubukan mo itong ibagsak upang sana mawala ang ghost touch, subalit ito ay nagresulta sa pagkabasag ng pekeng LCD.

Mabuti na lang at nasa iyo pa ang iyong orihinal na Amoled LCD na pinapalitan. Ang iyong balak na ibalik ito sa ibang technician upang ito ay maibalik sa dating kalagayan ay isang mabuting hakbang. Ang plano mo rin na bumili ng isang sirang phone na may buo at gumagana pang LCD para ipalit sa iyong phone ay maaaring maging isang alternatibong solusyon.

Mahalaga talaga na mag-ingat tayo at piliin ng maingat ang mga technicians na ipagkakatiwala natin ang ating mga devices. Hindi masama na magtanong at mag-canvas sa iba't ibang repair shops upang makasiguro tayo na ang mga papalitin sa ating mga devices ay dekalidad at magiging maayos ang performance ng mga ito. Kahit na nagpapalit tayo ng mga sira o sirang bahagi ng ating mga devices, mahalaga pa rin na matiyak natin na ito ay magiging maluwag at magiging maganda ang karanasan ng paggamit ng ating mga gadgets.
Same po tayo ng problem sa phone nagkaroon ng "lightsaber" phone ko and upon searching sa net pare parehas din kaming nagkaroon ng ganon, 'yong iba napa palitan for free since covered pa ng warranty. Vivo X70 model ng phone ko and I suggest na sa mga mismong Service Center ng device natin dalin, based on my experience 'pag di okay 'yong pagkakagawa nila or may naapektuhan like 'yong camera module ko naapektuhan dahil napunasan lang ng cloth nung tech sa service center, pinalitan nila for free 'yong camera module kasi lumabo and negligence nung tech na nagrepair. Medyo pricey nga pagawa ng Amoled 'pag original, 6,900 kasi sa phone ko and free labor, kung quality talaga and same sa original sa mismong Service Center na po tayo kahit pricey walang sakit sa ulo after.
 
isa akong technician ganun talaga kung gusto mo ng orig dun ka mismo shop ng phone mo. walang orig na nang galing sa mga third party. pwera nalang kung galing sa unit. pero sa case mo class a yan kaya wagkang mag expect ng same sa orig mo.
 

Similar threads

Back
Top