What's new

Poems "Respeto"

Vince0527

Honorary Poster
Joined
May 31, 2020
Posts
184
Reaction
64
Points
129
20211014_150714.png

Ang bawat patawa na iyong binibigkas

Ay may halakhak na pag kalakas lakas

Kung maibabalik ko lang ang panahon

Na ikaw ay may kalakasan gaya noon

Nais ko muling madinig ang iyong tinig

Mga salitang sambit ng iyong mga labi

Mga pangaral na gusto kong nadidinig

Mula sa amang mapagmahal ng labis

Sa ngayon akin na lamang

Titignan ang iyong ngiti

Ama alam kong gustong gusto

mo akong kausapin

Bagama’t mag salita

ay di kayang bigkasin

Sa puso ko tila alam ang

salitang iyong nais sabihin

Na anak wag kang mag alala

Aking lakas ay manunumbalik

Mga salita ay lalabas sa aking bibig

Balang araw ating usapang kaysaya

ay sadyang magbabalik

-CTTO
 

Attachments

kawawa nman si tatay may sakit siguro sya sana makajoke na ulit

Kaya kong mag tiis sa sakit, sakit na hanggang ngayun sakin nakakabit,
pilit binabalikan panahong nagdaan,
Mga panahong magkahawak ang kamay sa daan
Mga tawanan at kwentuhan, harutan at hampasan

Pero bakit, Tanong na sa akin namumutawi
kung bakit kailangan huminto muna sandali
itigil kung ano ang matagal na nating sinimulan
Kung paano tayo magkasamang naliligo sa ulan

Kung paano tayo magharutan at mag hampasan
Kung paano kita suyuin tuwing ikaw ay totoyoin
Kung paano natin yakapin at hagkan ang isat-isa
Kung paano natin sabihan ng I Love ang Isa't isa

Tinatanong kung bakit ang lahat ay parang wala lang
di ako nanunumbat pero ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit parang sayo lahat nang yun ay wala lang
Bakit Parang ang bilis nang iyong bilaang paglisan

Hanggang Ngayon di pa rin ako maka move-on
Sa nakaraang hanggang ngayon sakin nakabaon
Di ba pweding i-off nalang ang mga nakaraan
Na parang Switch na pweding off at on na lang

Pipilitin ko nalang na bunutin dahan-dahan
Masyadong malalim ang pagkabaon ng sakit
Sa pag hilom ng sugat, marka ay maiiwan
Marka na kahit dumaan pa ang maraming oras

Marka na tanda ng ating pagmamahalan
Na kahit di na kita makakasama at makikita
Ala-ala mo sa akin kailan ay di mawawala
Iingatan at aalagaan hanggang saking pagtanda.

-Lizzbelle16-
hahaha ang lalim parang hirap na hirap kna bunutin goodluck po hugot mo😆😆
 

Similar threads

Back
Top