What's new

Tutorial Sa mga naka Samsung devices na gumagamit ng Smart/TNT Unli Data 175/449

E

eerie

Guest
Kung mahina ang signal o nababagalan kayo sa unli data nyo eto muna gawin nyo.. kung masusunod ninyo ng tama yung tutorial posible na lumakas ang signal o data connections nyo.. pero kung sakalam naman ang signal sa lugar nyo edi SANA ALL na lang..

Gayahin nyo yung video tutorial. Bawat band itest nyo sa pag upload at download ng maliit na files lang muna mga 100mb pwede na. Mapapansin nyo yan sa bawat palit at test nyo ng bawat band biglang bibilis o bagal pwede din walang pagbabago sa speed ng data nyo. Malakas samin yung Band 28 kaya ganyan setup ang ginagawa ko bago ako mag upload at download.. pili kayo sa Band na 40, 28, 3 at 1 kung alin malakas sa location nyo..

Sa pag test nyo sa pag download 1DM+ na lng gamitin nyo.. Sa pag upload kahit anong browser o app kayo na bahala..

*#2263# - dyan magpapalit ng band
*#0011# - dyan naman para icheck kung tama yung band na pinili nyo

Bakit kailangan gawin muna yang ganyang setup na nasa video tutorial bago mag upload at download? - pag di kasi nagamit ng tuloy-tuloy yung data bumabalik sa mahihinang band madalas nalilipat sa band 3 at 40 nangyayari sa device ko.. Pagkapili nyo sa band na nagustuhan nyo mag upload at download na agad kayo..

Paano kaya mag lock ng band sa android? 🤔

Sa kaso ko may malakas pala na isang band pero madalas pinipili ng device ko yung mahihinang band..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Last edited by a moderator:

Similar threads

Back
Top