What's new

Poll Sa tingin nyo sa mga nangyayaring mga kalokohang ginagawa ng bansang China. Gyera lang ba talaga ang paraan kasi parang yun lang ang tangi kong naisip

Kasi madami na ang nalagas sa virus na kanilang napakalat sa buong mundo at ito'y di hamak na masasabi nating bio warfare eto. at sa dami ng namatay maituturing itong isang klase ng pagatake kung talagang pagiisipan ng mabuti at ito ay malaking kapabayaan o total negligence sa part ng china resulting into, let's say "world's greatest genocide" ever committed in history. At di lang yan, sila din ay nag iispiya at kumukuha ng mga mahahalagang impormasyon sa pagkopya ng mga mahahalagang data na makapag aangat sa kanilang Bansa para maging isang world power at para lahat ng bansa ay kanilang mapaluhod at tumingla sa bansang China. Halimbawa na lang ang formulang coca-cola ginawan din nila eto ng sariling brand pero kuhang kuha ang lasa ng coke, yung tesla car design ni Elon Musk ninakaw din nila, mga cellphone design ng apple at iba pa ginaya nila at binenta sa napakamurang halaga para mapabagsak ang malalaking compnya ng mga manufacturer ng cellphone, kalaunan lang nagsara na din ang LG kasi di nila kayang sabayan ang pababaan ng presyo na alam nilang wala na sila kikitain ex. oppo, realmi, vivo, atbp china android phone napakababa ng mga presyo na halos makita mo din ang samsung halos nag counter na din ng mga bagsak presyo nilang bagong model na phone na sa kataglan baka din ay magsara. kaya kung isusuma total natin lahat eto lahat isang uri ng GYera na ika nga Art of War. marami pang isyu lalo na sa agawan sa karagatan, pagpapatibay ng mga hukbo at kagamitang pandigma na kung titingnan natin dun talaga mauuwi sa bandang dulo ng paghihintay at pagaabang natin.
 
We need stronger ties with other ASEAN countries, at mga bansang my border issue with China. (or kahit anong klaseng issue pa). Plus allied countries nung mga bansang yun. Connections ika nga 😆

(Bakit ba mas pinili ng nakaupo na ipilit makipag close kay China kesa sa mga karatig natin na bansa??? Di ko talaga magets yun kung bakit.)

Di naman kailangang humantong sa gyera, and I don't think na hahantong or gugustuhin ng China na magkaron ng gyera kung yung babanggain nya yung mga bansang sama-sama at sabay-sabay na magpu-push back sa kanya. Di nya gugustuhin na maging next Germany/Japan ala WW2 (lalo pa yung ginagawa nila sa mga Muslim Chinese, mala old Germany talaga si China).

Sa panahon ngayon, sobrang laki masyado ng mawawala sa kanila kung iri-risk nilang makipag gyera na ang reason is dahil gusto nilang lumaki/lumawak ang teritoryo nila. Baka sa huli, buong bundo (not including NKorea and Russia) ang mag-denounce sa China.

Kailangan i-pressure si China, or sya naman yung makatikim ng pambubully.

Sarap gawin katulad nung sa CIV5 sana 😆 i-embargo si China, kaya lang, game yun and real life to. Pag nangyare yun, ang laki ng itatas ng ibang raw materials sa market, mawawalan ng access yung ibang company sa cheap labor, in turn magsisitaasan din presyo nung ibang bilihin. (Pero kung may paraan na sa ibang bansa i-outsource yun, baka maging okay din, like sa Africa or India).
 
War is never a solution. Angas lang yan pakinggan but diplomacy is always the preferred route in every dispute. Until all negotiations fail, war shouldn't be an option.
 
Matakot ka sa war sa middle east particular sa israel at palestine lol hindi sa china, hindi interes na china ang warfare kundi onti onti nilang nilulubog sa utang ang bansa na gusto nilang controlin. Marami ma silang nabiktima rito tulad ng mga african countries pati narin tayo
 
Back
Top