pag nagfofocus ka kasi sa naririnig mo lalo sya lalakas. sabi nila psychological daw, parang pag araw araw mo daw ito iniisip - ang iisipin daw ng katawan natin ay importante yung sounds. ang payo ko nalang listen ka sa favorite music mo thru speakers tapos bawas ng stress. kung gusto mo matry, pwede din na iplay back mo yung tono nito sa generator tapos "invert phase" mo, mawawala yung sound kaagad, ibig sabihin talaga internal lang yung nag-gegenerate ng sound. balak ko nga din magprogram ng music player app para dito kasi nagkacovid ako naranasan ko yan and fully nawala after 1 year
madalas sa infection one side of ear lang ang natatamaan, pero dahil sa slight hearing loss or imbalance (in other cases mali yung tono or "flat") doon nagkakaaberya at ginagawaan ng paraan ng katawan natin ibalance yung hearing, ang side effect naman nito lalong tumataas yung noise na matinis which is yung internal pressure daw yan ng katawan natin, kaya naman naririnig ito usually both sides kahit isang ear lang yung affected. masasabi mo na wla kang malalang hearing loss kasi nakakarinig ka pa pero may mga matataas na tunog na di mo maririnig dahil sa noise nito gaya ng nangyari sakin. di ko marining yung high frequencies. dahil di ko sya marinig tinaasan ng utak yung "sound gain" kumbaga parang amplifier tapos yung matinis na tunog is side-effect sya parang mic feedback/noise.
sa sobrang sensitibo din ng pandinig ko halos di ko magamit mga audio equipment ko nasa lowest volume lang dati sa cp at pc. unti unti din na bumalik or nalalakasan ko hanggang sa back to normal.
yung overthink din madaming case po yan sa mga musicians, dahil negative sila magisip at inisip na ang skills nila ay related sa hearing skills (yung perfect pitch daw) kaya biglang ginawa ng utak na iamplify yung hearing sensitivity nila, doon sila nagdedevelop ng tinnitus kahit walang infection/covid/noise exposure.