[XX='ketano, c: 1278452, m: 1842435'][/XX] Totoo yan. Pero hindi pinayagan ng Diyos si Satanas na galawin si Job.
Totoo na dahil sa pagpapahintulot ng Diyos na subukin ni Satanas si Job ay nagresulta ito sa kamatayan ng mga anak niya, pero, hindi ibig sabihin nito na hindi na ibabalik ng Diyos ang buhay ng kaniyang mga anak.
Ang totoo, umaasa si Job na bubuhaying-muli siya sa hinaharap, siyempre, kung umaasa siyang bubuhayin siyang muli, malamang na umaasa din siyang makasamang muli ang mga minamahal niya.
Pansinin mo ang naitanong ni Job at ang pag-asa na inaasam niya:
Job 14:14, 15
Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli? Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay ako Hanggang sa dumating ang kaginhawahan ko. Tatawag ka, at sasagot ako. Mananabik ka sa gawa ng iyong mga kamay.
Kaya, tiwala si Job sa kaniyang Diyos. Alam na alam niya na ang Diyos ay Makapangyarihan-sa-lahat, kaya, nasabi ni Job, mamatay man siya, tatawagin siya ng Diyos mula sa kamatayan, at pag binuhay na siyang muli, oo, sasagot si Job.
Kaya, totoo, namatay man ang mga anak ni Job dahil sa pagpapahintulot ng Diyos na subukin siya ni Satanas, pero, ang Diyos, na Diyos ng mga buháy, ay hindi pahihintulutan na habang panahong mananatili ang mga patay sa libingan dahil sa kamatayan. Sa hinaharap, kapag ang Kaharian na ng Diyos ang namamahala dito sa lupa, magkakaroon ng pagkabuhay muli ng mga patay dito sa lupa.
Kung nagkaroon ng walang-katarungang kamatayan ang mga tao na resulta ng pagkakasala nina Adan at Eva sa lumang sistemang ito na kinabubuhayan natin, sa darating na bagong sistema, sa panahon ng pamamahala ni Jesus dito sa lupa, magkakaroon ng katarungan anupat yaong mga namatay nating mahal sa buhay ay bubuhaying-muli at bibigyan ng pagkakataon na makilala ang Diyos at maglingkod sa kaniya taglay ang mabuting kalusugan, at buhay na walang sakit at kamatayan.
Gaya ng sabi ng Bibliya,
Gawa 17:31
Dahil nagtakda siya ng isang araw kung kailan hahatulan niya ang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking inatasan niya [si Jesus], at bilang garantiya sa lahat ng tao, binuhay niya siyang muli.