What's new

Help SIMCARD REGISTRATION FAIL?

jhakelara

Forum Veteran
So paano nga malalaman yung taong nakarehistro sa simcard kung ayaw din ipaalam ng customer service yung name na nakaregister sa number?. So kanina na scam ako then i called customer service then yung nangscam sakin e nagbigay ng number. Nung tumawag na ako sa customer service at tinanong ko kung kaninong pangalan naka register yung number e ayaw nila ibigay ang pangalan dahil daw sa personal privacy so hayon pano nga malalaman kung sino yung nang scam? And ano palang kwenta ng registration sim kung ganyan na may personal privacy pa ???????
 
Ang simcard registration ay isang paraan ng pamahalaan upang masiguro na ang mga mobile phone users ay gumagamit ng lehitimong mga simcard at upang maprotektahan ang mga ito mula sa kriminalidad. Ang personal privacy ay isang mahalagang karapatan ng bawat tao. Kaya kailangan ng mga customer service na sumunod sa mga regulasyon sa pagprotekta ng personal privacy ng kanilang mga customers.

Kung nabiktima ka ng scam at nagbigay ng number ang scammer, maaari mong ipagbigay-alam ito sa pulisya upang masugpo ang kriminalidad. Ngunit hindi ka makakakuha ng personal na impormasyon tungkol sa may-ari ng simcard kung hindi mo ito pag-aari. Ang customer service ay maaaring magbigay ng iba pang impormasyon upang matulungan ka, tulad ng mga hakbang para maipagpatuloy ang serbisyo at protektahan ang iyong account mula sa panibagong krimen.
 
Tama ang bot. Kapag ibinigay ng telecomm company ang personal information ng isang tao nang walang consent nito, it will breach the privacy of that person, also, against 'yon sa privacy policy nila at maaari silang managot sa batas.
 
Kaya ipinatupad yang sim reg nayan para po mahule mga scammer dba?

Mas better siguro pumunta sa police station para mabigyan ng aksyon
 
Back
Top