What's new

Closed Single tips and tricks

Status
Not open for further replies.

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,978
Solutions
6
Reaction
66,455
Points
16,645
Things you should not do or you should avoid while single.
- Pastor Peej

Here’s another one to all S.I.N.G.L.E. friends out there.


mga HINDI MO DAPAT GAWIN o MAGING, habang ikaw ay SINGLE at waiting.

Let’s get it on!

S - SELF-PITY

Buti pa sila may partner na.
Buti pa sila may ka-date.
Buti pa sila may pamilya na.
Buti pa sila blah... blah... blah...

Oow. Kowowo nomon syo.

Hello?! Huwag maawa sa sarili!
Eh ano naman ngayon kung may partner na sila? Una, wait ka lang, dadating din in the right time ang right person para sayo. Pangalawa, wala ka bang kaibigan o pamilya na pwede mo kasama at magbibigay sayo ng saya? Hindi ka nagiisa. Choice mo lang malungkot at magisa. Huwag #feelinglonely. Huwag ka magalala, hindi ka tatandang dalaga o binata.
Habang mas nagseself-pity ka, pumapangit ka at nagmumukha kang matanda! Pero habang mas relax ka, well, hindi naman sa sinasabi kong gumaganda ka, hindi ka lang stressed, at mukha kang fresh.

I - INSECURE

Ang kapatid ng self-pity, insecurity!
Feeling pangit ka. Feeling irrelevant. Walang tiwala sa sarili. #INFERIORITYCOMPLEXGALORE

Wala kasi ako ng meron sila.
Kulang kasi ako sa height.
Sobra kasi ako sa weight.
Maitim kasi ako.
Itong ilong ko kasi siguro.
At kung anu-anong insecurity pa.

H uwag ganun!

Hindi porke’t single ka eh may diperensya ka na! Hindi uri ng sakit ang SINGLENESS! Pero, posible itong lumala, dahil sa insecurity (at sa susunod na point).

Eh sa hindi pa siya dumadating eh! Wait ka na lang. At katulad ng sinabi ko noong una “Serve God. Invest. Nurture. Glow. Learn. Enjoy”. Diyan ka magFOCUS, ‘yan sigurado ikakaganda o ikakagwapo mo ‘yan.

N - NEGATIVE

Pinsang buo ng SELF-PITY at INSECURITY... negativity!

Eh ano pa nga ba kalalabasan na mababa ang self-esteem mo at insecure ka? negatron!

Tatanda na ako mag-isa.
Walang magmamahal sa tulad ko.
Mag-aampon nalang ako ng maraming pusa.
Wala point para magshave pa.
What is salon.
What is ligo.
At kung anu-anong negativity pa!

Huwag kang NEGATIVE. Dahil ang taong nega mas malaki ang percent na maging matandang dalaga. At ang taong postive, always attractive.

G - GULLIBLE

Huwag kang pauto minsan.. Alam mo ba na dahil sa mga magkakamag-anak na si self-pity, insecurity, at negativity, ginagawa nilang GULLIBLE ang isang tao? Minsan nauuto
Kadalasan, dahil gusto ng iba na maging “in a relationship” na, madali na silang mauto ng mga taong magagaling mag-TAKe advantage!

Eto yung mga favorite dish ng mga pa-fall eh, gullible. Pakita ng konting care. Paramdam ng koting affection. Maganda ka. Sweet ka. Kanta. Kindat. Kagat labi. Ikaw na nga. Ang hinahanap ng puso. Ang magbibigay ng saya. Huwag mo ng kantahin. Ayan, fall na. Nauto na. NueGinagawaMue.

Huwag papauto. Please. Stay happy, wise, and strong. ☺️

L - LONELY

Sino ba kasi ang nagbigay ng idea na singleness is sadness? Christmas songs? Kaya andaming nagmamadali o napepressure eh! Huwag ikalungkot ang ang pagiging single. It’s a beautiful and full of growth na season.

Malungkot ka dahil single ka? Eh marami rin kayang malungkot kasi in a relationship sila.

Anong akala mo, lahat ng may partner masaya? Yung iba gusto ng lumaya! Lalo yung mga taong dahil sa self-pity, insecurity, at negativity, naging gullible at pumatol sa pa-fall!

Easy. Don’t be lonely. Be happy like a kid watching a dancing Jollibee.

Lastly,

E - EMPTY

Let me get a bit serious on this.

Please, never feel empty. Una, there is Someone loving us perfectly and unconditionally, and i know you know Who that is. He first loved us, and He will continue to do so. This should be rooted deep in our hearts. Dapat malaman mo munang mabuti na punong-puno ka ng pagmamahal ng Diyos, hindi kasi maganda ang magiging resulta kapag hindi mo muna natutunan ‘yan.
Kasi kahit hindi mo naranasan o kulang ang love ng family, or friends, or anyone, if you know that God loves you so much, you will never feel alone and empty.

Dito maraming attack ang enemy eh. Yung mga taong feeling empty. The enemy will confuse them and make them feel they are empty at kailangan na kailangan nila ng love, to the point na they will entertain or accept “love” that is FAKE and HURTFUL. “Victim of love”.

Again, God loves us so much, including our family and friends! We are never lonely. We are never empty! We are actually surrounded by and full of love!

You’re not empty, you are wonderful person and very happy! Enjoy this season. ☝❤️

#NNNPH
Ctto
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top