What's new

Closed sino only child dito?

Status
Not open for further replies.

ssouzeii

Eternal Poster
sino po only child dito? Nafeel nyo na bang masuffocate sa parents or parent nyo? ako kasi oo sa mama ko kasi feeling ko tingin niya saakin elementary na hindi kaya alagaan sarili, pinapauwi niya ko ng maaga, text siya ng text, call ng call gaya kanina kasi brownout dito nakicharge ako sa ibang bahay tas pinayagan naman niya ko kasi kailangan niya din ng charge.

Sabi niya sige 8 uwi kana umalis ako nun around 4:30 to 5 pm na nun tas indi ko napansin na nagparatex siya ultimo iba kong friends na hindi ko naman kasama dun sa lugar kinontact niya tas siguro kasalanan ko naman kasi hindi ko napansin yung tex niya kasi chinacharge ko cp ko at malayo sakin kausap ko yung mga kaibigan ko tas kumain na rin ng dinner tas pigpara pauwi niya na ko eh uuwi naman talaga ko hindi naman ako lalampas sa usapan. Minsan naiisip ko wala sakin tiwala si mama kasi nagusap naman na kami nasetup na utak ko kaya di na ko nagcheck ng phone tas pigpara pauwi niya nako bandang 6:30 palang. Hindi naman ako mapapano kaya ko naman sarili ko atsaka may kasama naman ako umuwi bat anhirap sakanya ipaintindi na kaya ko sarili ko.

Single mom na mama ko sakin kasi hindi naman ako tinutustusan ni papa ng maayos. May advice po ba kayo para magkaroon ako ng good relationship sa mama ko na overprotective at grabe mag alala na parang mapaparanoid na minsan di ko na maintindihan hays.. aminado ako na natataasan ko siya ng boses pero di ko na alam lagi nalang kami nag-aaway ni mama.
Tatanggapin ko po kahit criticism kasi alam ko may mali din ako ganun lang talaga yung nararamdaman ko lagi parang yung freedom ko masyadong nahohold back.

hindi ko na alam feeling ko ang dependent ko na tuloy masyado parang di na ko nago grow salamat sa sasagot po..
 
Ako nga hindi naman only child pero ganyan sakin nanay ko. Lalaki ako ah hindi babae

Pero hindi na naman katulad ng dati. Ngayon chinachat nya pa yung mga kaibigan ko kung nasaan ako. Pero kung alam nya naman kung saan ako o nakapag paalam ako kahit gabi na hindi naman na nagtetext o tumatawag sakin kahit sa mga kaibigan ko.

Ayun kaya nagpapaalam ako kapag matatagalan pag uwi para hindi na sya mang-abala haha
Tama ito Paps... Kailangan din open communication sa mga parents kausapin sila ng maayos maiintindihan naman nila yan e...
 
Nerbiyosa kasi nanay ko. Wala namang mali doon sa ginagawa nya, minor pa din naman ako. Nagpapaalam nalang ako kasi yun naman talaga tamang gawin.

Hanggang nakikitira ka sa magulang mo may karapatan sila na malaman kung ano ginagawa mo.

Kapag siguro nakahiwalay ka na ok lang na di na nila malaman kung saan ka nagpupupunta.

ssouzeii ,kausapin mo nalang magulang mo. Wala namang mali sa ginagawa nila.

Dapat nga magpasalamat ka. May mga kakilala ako as in walang pake magulang nila sa kanila.
 
Kapag nagtagal mababawasan din yung pagiging mahigpit nila sayo.

Sabi mo naman tinatanong ka lang kung kailan ka uuwi. Hindi ka naman pinagbawalan lumabas nag aalala lang sila kung ayos ka.
 
tska wag mo din madaliin sarili mo. hindi namin inaasahan na miintindihan at matatanggap mo lahat over the night. take it slow. try to engage in every conversation na sisimulan ng mama mo. duun magsisimula ang lahat. dahan dahan lang. prone sa errors kapag minadali ang kahit na ano. sabi nga nila, pakabait ka maige. swerte ka sa magulang mo. gaya ng lahat ng nagaadvice dito, alam nilang lahat na pagmamahal yan ng magulang.
 
[XX='ssouzeii, c: 457923, m: 1479040'][/XX] I understand your sentiment TS, dumaan din ako dyan. Enjoy the ride, mahalin mo yung nanay mo kasi darating yung time na di mo na sya makakasama and mamimiss mo sya, reality ba. Kung feel mo too much, then tell her. Maging open ka sa kanya, kasi kung dalawa lang kayo sa buhay, normal lang na magalala sya sayo. Ikaw kaya ang ilagay sa position nya, hindi sya mag rereply sayo, hahayaan nya lang yung phone nya at di sasagutin yung text or tawag mo? Imaginin mo lang ano kaya ang mararamdaman mo? Be good sana, simpleng bagay lang yan. If tingin mo sinasakal ka talaga, magsarili ka na, ganun lang yun, kung kaya mo ng buhayin ang sarili mo.😊
 
[XX='ssouzeii, c: 457956, m: 1479040'][/XX]
Normal lang naman yan. Kasi nga tumatanda ka na kumbaga parang ayaw mo.na ginaganyan ka ng magulang mo baka kasi isipin o kantiyawan ka ng mga kaibigan mo na “ang tanda na binibaby pa".

Ganyan din ako mag-isip noon. Alam din ng mga kaibigan ko na ganayan nanay ko kasi chinachat nga sila minsan kapag hindi alam ng nanay ko kung naasan ako. Pero hindi naman ako kinantiyawan ng mga kaibigan ko may naiinggit pa nga.

Skl meron ako naging kaklase noon tatay nya barbero. Expected ko madalas na kakantiyawan sya na tatay nya barbero pero hindi. Walang kumantiyaw sa kanya about sa tatay nya na barbero. So same lang sakin kasi same circles of friend lang naman.

Matured sila kaya naiintindihan nila na walang mali sa pag aalala ng magulang, walang mali kung barbero yung tatay ng kaibigan ko.
Kung kakantiyawan ka nila dahil mapag alala yung nanay mo, sila may problema hindi yung magulang mo.

Sabi nga di ba “Tell me who you're friends are and I'll tell you who you are". Matitino mga naging kaibigan ko medyo maloko syempre pero alam nila yung katuwaan sa hindi. Nahawa ako sa kanila. May kaklase ako dati nangangalakal daw sya dati, wala lang sakin. Yung iba aasarin pa yun o kakantiyawan.
 
Mga tanong mo ngayon ts normal lang yan bata kapa. Pero pag naging magulang kana o mawawala na sa buhay natin mga importanteng tao dun muna mahihimay lahat ng nangyayari sa buhay mo. Kong ako sayo mahalin mo ng sobra magulang mo gasgas naman ito na kasabihan pero "di na kayang maibabalik ang panahon".
 
Hindi ko alam yan dahil may kapatid ako at lagi akong pinagkukumpara ng magulang ko sa medal nya hahahaha, yun lang siguro hindi ko rin talaga magugustuhan kung tatawag sila lahat sa mga katropa ko. Hindi ko dapat sabihin pero pag binabasa ko ito nakikita ko na hindi ka nya papabayaan

btw, babae ka ba? kase normal lang din yung ganyan ka strict sa oras. delikado sa labas, lalake ako kaya hindi ako magdadalawang isip para sabihin na may mga demonyo talaga samin at lantaran sila may mga safe din pero mas madali mo makikita ang disgrasya (y) yun lang. kung may kapatid din talaga akong babae ganyan din gagawin ko kahit sa pinakadelikadong paraan
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top