Right! Ang una mong gawin ay mag-scrape ng rental prices sa mga lugar sa Maynila, ano yung magiging average expenses mo to live for a month (food, transportation + extras like phone and wifi charges, etc.), gaano katagal yung oras from your possible home to your work at kung ilang sakay, yung availability ng transportation at yung security sa areas, saan ka bibili ng iyong pangangailangan kung sakaling may napusuan ka ng place to stay (malapit ba? malayo ba? marami bang tindahan?, etc.). Assuming alam mo na yung place of work mo, with your data, you can estimate how a 20k salary will cope monthly. Pati wifi o cellphone signal/access ay kailangan mo rin isama depende sa preferred mong network. Think of all that you need to make your stay there comfortable. Siyempre, kailangan mo rin ng budget muna for the initial payment like 2-3 months advance etc. whether its an apartment, condo or just bed spacing at sa iyong mga unang bibilhing gamit sa bago mong tirahan. Just be realistic on the lifestyle you might use there!
Sa condo unit, ang latest na alam ko sa Makati will fall around 12-13k sa mga murang unit. Sa Taguig naman ay mas mababa. I'm sure may mas mababa pa dyan pero personal quest yan. Yung anak ko, nakalipat dyan lately for 10k (bagong unit) dahil di niya kaya yung pagtaas sa 13k rental (Makati) sa existing niyang 27k basic salary - ibawas mo pa dyan yung taxes. Sa pamasahe lang, yari na siya dahil irregular ang uwi at kung saan-saan yung field work nya sa Manila which she has no control of, at hindi covered ng company (putris). (Nag-alaga pa ng persian cat na sakitin he he. ) Maganda sana kung opisina lang at regular yung working hours. Pero sa'kin, nasa tao na lang kung papaano magtipid at mag-budget para di magahol kung sakaling may dumating na di inaasahan. Sabi nga ni
f3nr1r, paano kung irrugular yung bayad sa sweldo mo? That changes the course of your planning. I hope you see my example as a hint for you. Get the point?