For gaming, hindi mabilis ma-reduce ang lifespan ng SSD. Parang media server kasi ang disk usage ng gaming - write once, read many (W.O.R.M.). Isang beses mo lang i-install, tapos puro reads na lang kapag naglalaro ka. Ang writes niya ay sa pag-save ng game o settings, o kaya sa pag-download ng additional assets sa Internet. Hindi masyadong madalas tulad ng ginagawa ng Windows sa pag-log ng Events o sa pag-Index ng files.
Kaya okay lang for gaming yung mga SSD na may QLC NAND (Samsung QVO, Intel 660p, Crucial P1) - lower write endurance but with a cheaper price tag.
Sa gaming performance naman, malaki ang impact niya sa load time tsaka texture streaming kung ikukumpara mo sa HDD. Pero kung NVMe SSD vs SATA SSD, walang pinagkaiba. All SSD ako sa gaming PC ko: 2 x NVMe tsaka 2 x SATA. Di mo maramdaman ang speed difference ng dalawang SSD types sa gaming.