What's new

TALO NG DISKARTE ANG MAY DIPLOMA

Ito lang stand ko jan.
Sa akin yung statement na "talo ng madiskarte and may diploma" ay isang kalokohan lamang.

Sa akin kasi, naniniwala akong lahat ng tao may kanya kanyang diskarte sa buhay, iba-iba lang tayo ng tawag. Pag kapanganak palang natin may diskarte na tayo sa buhay.

Kaya nakapagtapos at nagkadiploma ang iba dahil sa diskarteng ginamit nila.


Sa lahat ng makakabasa nito, wag nyo i-under value ang isang DIPLOMA!!! Yung iba nga, nagpapagawa pa sa Recto, alam nyo bakit?!?

Daan natin sa simpleng sitwasyon.
Halimbawa may 5 pintong nakalock na kailangan buksan.

Ikaw dahil diskarte lang meron ka, binigyan ka lang ng 2 pin, tapos yung isa binigyan ng susi sa pinto dahil may diploma sya. So mas mabilis nya mabuksan yung pinto nya kesa sayo na diskarte lang. Sa pangalawang pinto, nakapagMasteral sya, kaya binigyan na naman sya ng susi para dun at ikaw kahit nabuksan mo yung unang pinto, wala ka parin nakuhang susi bali dala mo lang sa susunod na pinto e yung teknik na nalaman mo sa pagbukas ng unang pinto.


Nakikita mo yung advantage ng may diploma,,, pag nasa harap na nila yung opportunity madali lang igrab and may time sila to think and study it. Unlike yung diskarte lang meron ka, marami kang challenges na haharapin at kung minsan nagagamit mo yung experience na yun or it can hurt you din.

magpa opera sila sa may diskarte 🤣
Segundahan kita,

Kanino ka papagawa ng 10storey bldg, dun sa madiskate lang, o dun sa engr na may diploma.


Kanino ka hihingi ng legal advice, dun sa madiskarte lang o dun sa taong may diploma?


Kanino ka sasakay ng eroplano, dun sa may diskarte lang o dun sa may diploma?
 
Last edited:
Yan ang kadalasan na bitter statement ng mga under grad sa mga may bachelor's degree.

Ang diploma ang symbol na may napatunayan ka at
napakita mo rin ang diskarte mo sa pag-aaral para makapag-tapos.

In corporate world, di ka tatanggapin sa company if wala kang mapakitang papel. Black and White. Di sila susugal sa puro boka lang.

Hindi ka pagkakatiwalaan kung wala kang mapakitang papel. Walang mag iinvest sa diskarte lang, kundi sa may napatunayan na.

Katangian ang pagiging madiskarte. Isa sa lang yan sa katangian ng mga may totoong may diploma.

Magkaiba ang meaning ng pagiging successful sa pagiging madiskarte. Napakalalim ng ibig sabihin. Kaya don't compare this era sa mga naging successful na richkid drop out.
 
Hahaha my diploma ka wla kang utak.. wala nga silang diploma diskarte ginawa para maging successful

Oh ito pa mga taong successful na walang degree or diploma na sinasabi nyo.. diskarte twag jan. Ginamit ang utak. Aanhin mo diploma mo na papel wla naman laman utak mo
Alam mo ano common denominator ng mga nasa list na yan?! All of them are geniuses, check their IQ scores. In short, even if they don't get their diploma, they are still ahead of other normal people.

Kaya wag mong sabihin na diskarte lang pwede na. Wala bang diskarte yung mga nagbabasura, yung mga kargador sa palengke, yung mga naglalako?!?
 
Mas maganda na din mas safe ;) Walang rewind ang buhay. Kaya mas safe na kung madiskarte + may diploma pa. Pwede naman after mo grumaduate saka ka dumiskarte e diba haha
yup iba parin ang may pundasyon sa pag aaral lods incase pumalpak diskarte/business may 2nd option ka
 
Depende sa tao, siguro kapag marunong ka mag manage nang career path mo yan yung importante.

Pero di ako agree sa joke mo na meron mali sa pagkakaroon nang anak at pag bebenta nang t-shirt. Parang my ka galit ka lang ata na mayaman na pa sayo tapos na inis ka.

Meron ako kilala 2 graduates sa mechanical engineering, yung isa nag repair nang appliance at yung isa stock holder sa isang shipping company. Masasabi ko lang, enjoy mo nalang yung career na ginusto mo at wag ka nalang maki-alam sa diskarte nang iba, if natapakan kaman make it as a motivation hindi yung mag asal matsing tayo.
 
posible naman talaga yan but not all the time. nangyayari yan kung may kasamang experience. pero mas ok pa rin talaga may diploma ka na, may diskarte ka pa
 
Pag walang diploma sa pinas. Diskarte nalang talaga panghahawakan. Pero karamihan sa walang diploma ay deep inside nangagarap din magkaroon nyan. Kita mo mga celebrity rito satin, kahit si pacquio ata kumuha pa din. Reality kasi dito satin yan na iba tingin sa meron.

Isa pa, majority sa atin dito sa pinas na pangarap ng mga magulang ang magkaroon ang mga anak nila ng diploma. Isipin mo, nakatapos ka na, natupad mo pa yung isa sa mga pangarap ng parents mo at napasaya mo pa sila, sarap sa feeling di ba?. Iniisip ko minsan, parang nagiging defense mechanism lang ng mga walang diploma yang "daig ng madiskarte yung diploma", kahit yung may diploma di naman pinagyayabang yung diploma..
 
Di lang naman Diploma at Diskarte samahan nyo na rin ng OPPPORTUNITY. Daming madidiskarte at may diploma hirap pa rin sa buhay
 
May kilala ako PSG active parin ngayon d nakapagtapos pero nakapasok sa PSG dahil may kakilala tapos ako pa sinabihan wag na daw yung pagaaral sya na daw bahala pag gusto mo magtrabaho wala talgang pinag aralan ang taas ng tingin sa sarili kaya ngayon walang anak kinarma baog hahah proud na proud pa sabihin **** daw sya pero aanhin daw malaking grades kung psg naman hahaha
 
Depende parin sa diskarte na gagawin lods pero kasi sa experience na may kasamahan ako na di naman nakadiploma pero naka work ayun di ma promote² naman, kasi kinapos sa reuqirements masipag naman sa work pero gang dun lang talaga siya sa work niya
 
May mga bansa na Spoiled ng gobyerno ang mga Homeless sa pagkain. So it means may kinalaman sa pag unlad ng isang indibidwal ang pamamalakad ng mga nasa pwesto. Bago sisihin ang walang diskarte at walang diploma, icheck niyo muna ang mga bulsa ng mga gahaman sa pera ng bayan. 😂
 

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Xumm airdrop
Back
Top