What's new

Trivia Tanong na wala pang nakasagot tungkol sa bibliya

@usersusername..you are limiting God with your understanding ka-PH. Yes, God Himself is infinite. His power, wisdom and love as well.

Proverbs 3:5-6 (NASB): Trust in the Lord with all your heart And do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge Him, And He will make your paths straight.

Masyadong mababaw ang way mo ng pagsukat ng wisdom ng Lord. May mga research/studies tungkol sa Bible which is available lang kapag gagamit ka ng computer at internet. May His grace be with you🙂
yaang mga proverbs na yan. gawa lang ng tao yan.
 
ang sagot sa tanong na ito ay oo.. lahat ng espiritung nilalang na nakatira doon ay perpekto.. hindi lahat ng matuwid na tao ay aakyat sa langit. limitado lang ang bilang ng aakyat sa langit taglay ang katawang espiritu.
 
Magkaiba lang ang setup noong old testament at new testament.
Sa old, may mga traditions etc.
Ngayon naman kailangan mo ng biblical church to encourage you or to guide you in your journey in your faith. Sa church mas magandang idiscuss yung mga question about God and faith
 
[XX='MissGelyyyy, c: 701171, m: 796598'][/XX] Pano po nagkaron ng old tsaka new testamen? Kala ko ba iisang lang nagsulat nito?
 
Relihiyon—Anong Kabutihan ang Naidudulot Nito?

“PUWEDE naman akong maging mabuting tao kahit hindi ako relihiyoso!” Iyan ang karaniwang sinasabi ng mga tao. Maraming tapat, mahabagin, at mapagkakatiwalaang mga tao ang hindi interesado sa relihiyon. Halimbawa, iilan lamang ang palasimba sa mga taga-Kanluraning Europa, bagaman sinasabi ng karamihan na naniniwala sila sa Diyos.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Maging sa Latin Amerika, 15 hanggang 20 porsiyento lamang ng mga Katoliko ang regular na nagsisimba.

Tulad ng marami pang iba, marahil ay iniisip mong hindi makatutulong ang relihiyon sa pagkakaroon ng mas magandang buhay. Subalit marahil ay alam mo rin na noong kapanahunan ng iyong mga lolo’t lola, ilang dekada na ang nakalilipas, karamihan ng mga tao ay mas higit na relihiyoso kaysa sa ngayon. Paano nawalan ng interes sa relihiyon ang karamihan? Puwede bang maging mabuting tao ang isa kahit hindi siya relihiyoso? Mayroon bang relihiyon na makapagdudulot sa iyo ng kapakinabangan?

Kung Bakit Iniwan ng Marami ang Relihiyon

Sa loob ng maraming siglo, marami sa Sangkakristiyanuhan ang naniniwala na ang Diyos ay humihiling ng pagsunod. Nagsisimba sila para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, ito man ay sa pamamagitan ng mga seremonya na pinangungunahan ng pari o ng sermon ng ministro. Siyempre pa, marami ang nakababatid ng pagpapaimbabaw sa relihiyon. Alam ng karamihan ang papel ng relihiyon sa digmaan, gayundin ang katiwalian at imoralidad ng mga klerigo. Subalit alam din ng karamihan na ang relihiyon mismo ay mabuti. Nagugustuhan ng iba ang misteryo, ang tradisyon, at ang musika; ang ilan ay napakikilos pa nga ng turo ng walang-hanggang parusa sa naglalagablab na apoy ng impiyerno, isang turo na wala sa Kasulatan. Nang maglaon, may ilang pangyayari na bumago sa pananaw ng marami hinggil sa relihiyon.

Naging popular ang teoriya ng ebolusyon. Marami ang nakumbinsi na basta na lamang lumitaw ang buhay—na hindi ito nilalang ng Diyos. Ang karamihan ng mga relihiyon ay hindi makapagbigay ng nakakukumbinsing patotoo na ang Diyos ang Bukal ng buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bukod diyan, nang sumulong ang teknolohiya, nagkaroon ng malaking tagumpay sa larangan ng medisina, transportasyon, at komunikasyon, at dahil dito, inisip ng mga tao na anumang suliranin ay kayang lutasin ng siyensiya. Karagdagan pa, nadama ng mga tao na waring mas mainam ang patnubay na inilalaan ng mga eksperto sa agham panlipunan at mga sikologo kaysa sa inilalaan ng relihiyon. Sa bahagi naman ng relihiyon, hindi nila naipakita na ang pamumuhay alinsunod sa batas ng Diyos ang pinakamainam na uri ng buhay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bilang tugon, binago ng maraming relihiyon ang kanilang mga turo. Itinigil na ng mga pari at mga ministro ang turo na humihiling ang Diyos ng pagsunod. Sa halip, marami ang nagturo na nakadepende na sa bawat indibiduwal kung ano sa tingin nila ang tama at mali. Dahil gusto ng ilang relihiyosong lider na marami silang maakit, sinasabi nilang tinatanggap ng Diyos ang iyong pagsamba anuman ang uri ng pamumuhay mo. Ipinaaalaala sa atin ng gayong turo ang hula ng Bibliya: “Darating ang isang yugto ng panahon kapag hindi nila titiisin ang nakapagpapalusog na turo, kundi, ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa, sila ay magtitipon ng mga guro para sa kanilang sarili upang kumiliti sa kanilang mga tainga.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa halip na makaakit, itinaboy ng gayong turo ang mga tao. Natural lamang na isipin nila: ‘Kung pinagdududahan ng mga relihiyon ang kapangyarihan ng Diyos na lumalang at ang karunungan ng Diyos na gumawa ng mga batas, bakit pa ako magsisimba? Bakit ko pa pagsisikapang ituro ang relihiyon sa aking mga anak?’ Ang mga indibiduwal na gusto lamang mamuhay nang disente ay nagsimulang mag-isip na hindi na importante ang relihiyon. Tumigil na sila sa pagsisimba, at hindi na nila pinahalagahan ang relihiyon. Paano nawalan ng halaga ang isang bagay na dapat sana’y kapaki-pakinabang? Naglalaan ang Bibliya ng makatuwirang paliwanag.

Ginamit ang Relihiyon Para sa Masamang Layunin

Binabalaan ni apostol Pablo ang sinaunang mga Kristiyano na gagamitin ng ilan ang Kristiyanismo para sa masamang layunin. Sinabi niya: “Papasok sa gitna ninyo ang mapaniil na mga lobo at hindi makikitungo nang magiliw sa kawan, at mula sa inyo mismo ay may mga taong babangon at magsasalita ng mga bagay na pilipit at ilalayo ang mga alagad upang pasunurin sa kanila.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang isa na nagsalita ng “mga bagay na pilipit” ay ang teologong Romano Katoliko na si Augustine. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na kumbinsihin ang iba sa pamamagitan ng pangangatuwiran mula sa Kasulatan. Ngunit pinilipit ni Augustine ang kahulugan ng pananalita ni Jesus na nakaulat sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na “Pilitin mo silang pumasok,” anupat sinasabing tama lamang na gamitan ng dahas ang pagkumberte sa mga tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ginamit ni Augustine ang relihiyon para kontrolin ang mga tao.

Si Satanas, isang rebeldeng anghel, ang nasa likod ng pag-abuso at katiwalian sa relihiyon. Inudyukan niya ang mga relihiyosong tao noong unang siglo upang sikaping pasamain ang mga kongregasyong Kristiyano. Ganito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa mga taong iyon: “Ang gayong mga tao ay mga bulaang apostol, mapanlinlang na mga manggagawa, na nag-aanyong mga apostol ni Kristo. At hindi kataka-taka, sapagkat si Satanas mismo ay laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag. Kaya nga hindi malaking bagay kung ang kaniyang mga ministro rin ay laging nag-aanyong mga ministro ng katuwiran.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ginagamit pa rin ni Satanas ang relihiyon na nagkukunwang Kristiyano, matuwid, at nagbibigay-liwanag upang udyukan ang mga tao na mamuhay ayon sa kaniyang mga pamantayan sa halip na sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Marahil ay napansin mong ginagamit ng maraming klerigo sa ngayon ang relihiyon upang iangat ang kanilang sarili sa pamamagitan ng matatayog na titulo at upang makalikom ng pera mula sa kanilang kawan. Ginagamit din ng pamahalaan ang relihiyon upang hikayatin ang mga mamamayan na isakripisyo ang kanilang sarili sa digmaan.

Ginagamit ng Diyablo ang relihiyon sa mas malawak na antas kaysa sa inaakala ng karamihan. Baka iniisip mong iilan lamang na panatiko sa relihiyon ang ginagamit ni Satanas. Subalit ayon sa Bibliya, “ang tinatawag na Diyablo at Satanas [ay] nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” Sinasabi rin ng Bibliya: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ano kaya ang nararamdaman ng Diyos sa relihiyon na ginagamit ng mga lider na ang gusto lamang ay pasunurin sa kanila ang mga tao?

“Ano ang Pakialam Ko?”

Kung nangingilabot ka sa paggawi ng ilang simbahan ng Sangkakristiyanuhan, tandaan mong hinding-hindi nalulugod sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Inaangkin ng Sangkakristiyanuhan na nakipagtipan sila sa Diyos; gayundin naman ang sinabi ng sinaunang Israel. Pareho silang hindi naging tapat. Kaya ang pagtuligsa ni Jehova sa Israel ay nagpapahiwatig na tutuligsain din niya ang Sangkakristiyanuhan sa ngayon. Sinabi ni Jehova: “Hindi sila nakinig sa aking mga salita at tinanggihan nila ang aking kautusan. Ano ang pakialam ko sa kamanyang mula sa Seba? . . . Wala akong kaluguran sa inyong mga hain para sa akin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia Bagong Salin sa Pilipino) Hindi kinilala ng Diyos ang mga gawa ng pagsamba na ipinakita ng mga mapagpaimbabaw. Hindi siya interesado sa kanilang mga ritwal at mga panalangin. Sinabi niya sa Israel: “Ang inyong mga kapanahunan ng pista ay kinapopootan ng aking kaluluwa. Sa akin ay naging pasanin ang mga iyon; ako ay pagod na sa pagtitiis sa mga iyon. At kapag iniuunat ninyo ang inyong mga palad, ikinukubli ko ang aking mga mata mula sa inyo. Kahit nananalangin kayo ng marami, hindi ako nakikinig.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nagugustuhan ba ni Jehova ang mga kapistahan na sinasabi ng simbahan na maka-Kristiyano subalit noong una pa man ay nagpaparangal na sa huwad na mga diyos? Pinakikinggan ba niya ang mga panalangin ng mga klerigo na sumisira sa mga turo ni Kristo? Tinatanggap ba ng Diyos ang relihiyon na tumatanggi sa kaniyang kautusan? Makatitiyak ka na ang pagtugon niya sa mga ritwal ng simbahan sa ngayon ay katulad ng pagtugon niya sa mga hain ng Israel noong sinauna, na hinggil dito ay sinabi niya: “Ano ang pakialam ko?”

Gayunpaman, ang talagang gusto ni Jehova ay ang pagsamba sa katotohanan ng taimtim na mga tao. Nalulugod ang Diyos kapag pinahahalagahan ng mga indibiduwal ang lahat ng tinatanggap nila mula sa kaniya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya maaari ka bang maging mabuti nang hindi ka sumasamba sa Diyos? Ang isang tao na walang ginagawang anuman para sa kaniyang maibiging mga magulang ay hindi nararapat ituring na mabuti, hindi ba? Masasabi bang mabuti ang isang tao na walang anumang ginagawa para sa Diyos? Makatuwiran lamang na magpakita tayo ng masidhing interes sa tunay na Diyos, na siyang pinagmulan ng mismong buhay.
 
[XX='PatrickSt4r, c: 701071, m: 1558423'][/XX] si satanas ay may mataas na katungkulan sa langit bago ang kanyang ginawa. (Maraming naniniwala na worship leader siya pero hindi malinaw na nasabi iyon sa Bible) Kaso dahil sa pride niya, ginusto niyang iworship siya, madaming sumama sa kanyang mga anghel. Sila yung tinatawag na fallen angels.
 
[XX='MissGelyyyy, c: 701194, m: 796598'][/XX] So bakit lumabas na masama sya? Sa iyong sarling paniniwala masama ba talaga si Lucifer? At galit ba talaga ang diyos sakanya?
 

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. “Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan(LAHAT NG TAO) kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang AnakYou do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
 
Yung tinuturo niyong Jesus is the son of God (true) but He is not God Himself (false). You are quoting everything based on your modified Bible(in which those who modified it resist to show their names saying (alibi) that it is for God's glory. Kaya masasabi kong medyo confusing and suspicious)
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa daong ay si Sem at si Ham at si Japhet. . . . Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe, at sa mga ito nakalatan ang buong lupa.” (Matapos puksain ng Diyos ang masamang sanlibutan sa pamamagitan ng pandaigdig na baha noong kaarawan ni Noe, ang bagong populasyon ng lupa, kasama ang lahat ng mga lahing kilala sa ngayon, ay nagmula sa supling ng tatlong anak at manugang ni Noe.)
 

Similar threads

About this Thread

  • 2K
    Replies
  • 35K
    Views
  • 190
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
1,217
Guests online
5,976
Total visitors
7,193
Back
Top