What's new

Closed The anunaki race (2)

Status
Not open for further replies.

Keeeera

Forum Veteran
Joined
Jan 6, 2016
Posts
1,990
Reaction
1,117
Points
720
Good Evening mga ka PHC :)
Welcome back po saken. Medyo 2months din akong hindi nakapag Paramdam dito.
Na miss nyo ba ko?

- Oh eto. Trivia muna tayo. .

THE ANUNNAKI RACE (PART 2)
---------------------------------------------------------------------------
*Bago tayo magsimula, sorry guys sa napangakuan ko na bukas ko ilalabas to, may nangyari lang..
*Kala ko kasi huwebes kahapon.. biyernes pala..
May pasok kasi ako sa school nun, so sorry guys at di ko naiayos at naipost itong part 2.
.
.
Start na tayo..
---------------------------------------------------------------------------
Ang radiance o kinang at mamula-mulang kulay ng Planetang Nibiru, ganito siya ilarawan sa istorya.
Ang Nibirans ay nagevolved sa nuclear war hanggang bumalik sa pakikipagpalakasan (nagsawa na siguro sa hi-tech na pakikipaglaban), dito kasi mas malalaman nila kung sino ang mas malakas sa kanila.
Billions of years (eon), umusbong ang sariling species sa Nibiru, mabilis ito at hanggang sa kaya na nilang magparami, ang iba ay nagsaka, mapa-babae or mapa-lalake, ang pakikipagkompitensya ay laganap, patay kung patay, ang tribo ay naging clan, mas lumala ito at naghati sa dalawang nasyon called North at South, nagpalala pa ang paggamit nila ng Nuclear, ubos lahat ng buhay sa kanila, kapatid man sa kapatid, nagpatuloy ito ng nagpatuloy kada orbit nila sa Sun.
---------------------------------------------------------------------------
Extra Info:
*1 shar or one orbit sa Sun = 3,600 earth years
*Dahil sa Volcanoes nila tuwing bumubuga (belching) ay nag-formed at kumapal ang atmosphere nila dahil sa katagalan na ng mundo nila.
*Kapag lumalayo sila sa Sun, ang pagbuga ng volcanoes nila ang nagpapalamig ng klima nila at mabuhay ang lahat ng living things sa kanila.
*Kapag lumalapit sila sa Sun, dahil sa belching ulit ng volcanoes, dahil nga kumapal na ito sa katagalan, naaagapan nitong lumala ang init at instead naglalabas ng ulan at mabuhay ang mga streams at lakes, lahat ng buhay pati pananim.
CLICK ME: The Good Benefits of Volcanoes
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
---------------------------------------------------------------------------
500,000 earth years ang lumipas..
Si An (Peacemaker na magiging hari) ay nakaisip na ng plano at batas para paguugnayin ulit ang dalawang nation, ang sabi niya ay.. "Let there be one throne on Nibiru, one king to reign over all."
Si An, ang nagbalik ng pagkakaisa at gumawa ng mga sundalong tutulong sa planeta at gumawa ng magandang city na ang tawag ay "AGADE" (Unity), para pag-isahin ulit ang dalawang nation, nagtalaga siya ng mga mangangasiwa sa bawat lugar at inayos niya ang lahat ng baluktot na gawain.
Naging hari siya..
Dahil nawala na ang nuclear (marami kasing disadvantage kapag ginamit) at nagkaroon ng peace at love dito nagkaroon ng ibat-ibang bloodlines, nagkaroon na ng dynasty, mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa, at gumawa na siya ng batas ukol dito.
Lumipas ang ika-anim na dynasty sa Nibiru, ang bagong hari na si King Enshar (nagkataon na sa kanya dumating ang kalamidad) ang climate change or global warming, mas lumamig pa ng lumamig kapag lumalayo sila sa orbit ng Sun, at sumobra naman ang init kapag lumalapit sila sa orbit ng Sun, dito nadiskubre nila na may butas ang ozone layer sa atmosphere nila, hindi na kaya pang isustain ang pangangailangan ng mundo nila ng mga volcanoes.
Nagkaroon ito ng ipekto sa mga mamamayan nila at ng mga nagbu-buntis dahil hindi makapanganak ang ibang mga babae.
(CLICK ME: CLIMATE CHANGE, REDUCE HUMAN FERTILITY)
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Ang reyna naman nila ay natuluyan na, siya si Queen Antu (baog) at asawa ni King Enshar, dito na naghanap siya ng bagong babae at nagkaroon ng anak na si Prince Alalu. Meron namang nagiwan ng batang lalake sa labas ng pintuan ng palasyo at nakita ito ni Queen Antu at pinalaki niya para maging kapalit sa hari, ang pangalan niya ay si Lahma, walang dugong bughaw at mahina.
---------------------------------------------------------------------------
Nagpatuloy sa pag-orbit ang Nibiru ng 200,000 earth years, tumitindi ng tumitindi ang catastrophe at environmental crisis, lumalawak na ang butas dahil sa kabulastugan na ginawa nilang nuclear, ito na yung resulta... (*na maaaring matulad din tayo sa kanila kung di maaagapan ang nuclear sa mundo natin), hirap narin silang huminga at namamatay narin ang mga kagubatan, puno at hayop.
Habang lumalaki naman si Prince Lahma, ang mga"Council" (grupo ng mga taong napili para gumawa ng rules, laws, or decisions,maaari ding scientist) ay naghahanap padin ng solusyon at dito na nila nadiskubre ang makapagliligtas sa atmosphere nilang nabutas.
Ito yung mga desperate options..
Option 1 - Gumamit ng nuclear missiles sa mga volcano (para bumuga agad at di na kailangang hintayin pa, desperate na sila).
Option 2 - Ang metal na tinatawag na "Gold" at durugin ito hanggang maging pino at ibudbod sa labas ng planeta nila kahit pansamantala lang na matakpan ang butas sa atmosphere nila at unti-unting gumaling ito (desperate pa din sila).
---------------------------------------------------------------------------
Background about Gold:
- Ang gold kasi ay mas matagal masira o matunaw at kalawangin.
- Ang gold ay may good benefits sa health natin (search niyo na lang)
- At according to our scientists we can use gold nanoparticles to repair Earth’s damaged ozone layer (confirm at search niyo din) *pero di naman nila nabasa o narinig ang storya ng Sumerians Myth. Creepy??
CLICK ME: GOLD, GOOD CONDUCTOR
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
CLICK ME: GOOD BENEFITS OF
GOLD IN YOUR BODY
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
---------------------------------------------------------------------------
Dumating na ang pagpalit sa magiging bagong hari, alam ni King Enshar na si Prince Lahma (malaki na) ay hindi dugong bughaw at hindi pwedeng maging kapalit niya, instead yung isang anak niya na prinsipe din ang papalit sa kanya, si Prince Alalu..
Hindi matanggap ni Prince Lahma ang desisyon ng hari at nagrebelde ito, nagdulot siya ng malaking perwisyo sa planeta nila, imbis kasi na tulungan niyang hanapan ng paraan kung pano matatakpan ang butas sa ozone layer nila ay mas lalo niya pang pinalala.
Tinapos ni Prince Alalu ang rebelyon ni Prince Lahma sa pakikipagbuyo sa palasyo, naghabulan hanggang sa itaas.
Nagsapakan sila at tinulak ni Prince Alalu si King Lahma at namatay agad ito sa sobrang taas ng palasyo (hindi na siguro binuhay ulit to kasi sa mga nagawa niyang mali).
Hinirang si Prince Alalu na bagong hari ng Nibirans...
After 9 shars (32,400 earth years) may bagong humamon sa kanya para maging pinuno at si Prince Anu yun (3rd son of Enuru), dugong bughaw din, hinamon niya si King Alalu sa "1v1 combat," sa plasa (publicsquare), yumanig ang paligid sa lakas ng pwersang ipinamamalas nila, naghihiyawan ang mga nanonood, napabagsak ni Anu si Alalu at hinirang na bagong hari ng Nibiru.
Dahil sa pagkatalo at wala nang mukhang maiharap pa sa mga Nibirans agad namang ineskortan si Alalu (exciled king na) ni King Anu (bagong hari) sa labas ng palasyo at di na muling nagbalik, pero..
Dahil hindi tanggap ni Alalu (exciled king) natalo siya, kumuha siya pasikreto ng rocketship kasama ng mga loyal na sundalo niya at ng mga nuclear missile (tira sa pagpasabog ng volcanoes) paalis ng planeta, dito magsisimula ang bagong paglalakbay niya na makapagbabago ng fate ng Nibiru..
Naghanap agad ng paraan si Alalu para mabawi ang trono at makahanap ng maraming ginto, naghanap siya ng planetang sa solar system natin..
Sa paglalakbay ni Alalu kasama ng sundalo niya gamit ng rocketship, may tumawag agad sa pansin nila di kalayuan at malapit sa Asteriod Belt called the "Hammered Bracelet", nagandahan sila dito, ang kulay at ganda niya ay kakaiba, ito ang Earth..
Nag-speculate agad si Alalu na baka may ginto sa Earth, agad na sinira nila ang mga nakaharang na asteroid papunta ng Earth gamit ng ilang nuclear missile na dala niya galing sa Nibiru.
Lumapag sila sa Earth (bandang Mesopotamia) ng medyo masama, pero maayos naman sila, after waking-up agad na sinuot nila ang Eagle Helmet (space helmet) at Fish Suit (space suit) tinest ang hangin at okay naman, tinanggal naman nila ang suot nilang helmet at suit at tuwang tuwa sila, kaya kasi nilang huminga dito. Naglibot pa sila at nakita nilang ang ilog na maraming isda, hayop at tubig na ininom nila at mas másáráp pa daw ang lasa kaysa sa Nibiru, dito na siya nagtry na tingnan at hukayin ang ginto gamit ng dala nilang mga gamit, and positive, meron nga at marami, dito na niya naisipan ang idea niya na magliligtas sa Nibiru at maging ang buhay nila.
---------------------------------------------------------------------------
Extra Info:
*100 years silang mas advanced sa technology kaysa sa atin.
---------------------------------------------------------------------------
Nagsend agad si Alalu ng signal (transmission device) para sabihin sa Planetang Nibiru na nasa planeta siya na makapagliligtas sa kanila, hawak niya daw ang buhay nila, at ibigay ang condition at ibalik ang trono niya.
Agad nakarating ito sa palasyo ni King Anu, kasama ang "Council," nagpulong silang lahat, kasama ang dalawang anak niya na si Enki (anak sa ibang asawa) at Enlil (legal na anak niya) at ibang nasa palasyo.
Nakapag-decide na ang lahat at si Anu, ang ipinadala niya ay si Enki kasama si Anzu (co-pilot at loyal kay Alalu) at mahigit singkwentang sundalo sa Earth para sa mission at alamin kung totoo ang sinasabi ni Alalu, dito nagselos si Enlil.
Naglakbay sila papunta ng Earth, nagkaproblema at nauubos na ang tubig (gas nila) sa rocketship sa sobrang haba ng biyahe, napilitan silang lumapag sa Mars, nadiscover nila na maganda at maayos ang atmosphere dito, may tubig at buhay, pero iba ang "Oxygen" duon at agad isinuot nila ang Eagle Helmet," at "Fish Suit" at agad na nagipon ng tubig at nagpatuloy ulit sa paglakbay papunta ng Earth.
Pagkadating at paglagpas nila sa Earth's atmosphere na sobrang kapal, mabilis silang bumulusok dahil sa di nila alam ito, nagkaproblema sila, pero may idea si Anzu dahil expert siya sa pagpipiloto, umikot ikot sila hanggang bumagal ang bagsak at malimitahan ang aksidente.. Successful sila sa paglapag sa Persian Gulf. Agad silang nakita ni Alalu (exciled king) at pinakita ang mga ginto.
Pero bago muna ito ay gumawa muna si Enki ng Eridu (parang bahay) sa Edin ng pitong araw at pitong araw ulit para magpahinga.
Nagbigay na ng signal sa Nibiru si Enki using radio device para sabihin ang katotohanan, nagaalangan padin si Enlil at pumunta na ng Earth din para siya na ang kumumpirma (wala siyang tiwala kay Enki), pinayagan siya ni King Anu.
Pagdating ni Enlil ay totoo nga ang sinasabi niya, ayun nagustuhan niya ang Earth, gusto niya mamuno dito, agad niyang naisip na papuntahin ang ama niya si King Anu para gawing utusan si Enki at may balak din siya kay Alalu.
Si Alalu din pala ay nagustuhan na ang Earth at libang na libang siya dito...
416,000 earth years, lumapag si King Anu sa Earth at dito ay nagpalabunutan siya kung sino ang mamumuno using straw (wood branch or something) kung sino kasi ang makakabunot ng mahabang straw ay mamumuno sa Nibiru, middle-sized straw sa Earth, at maliit naman na straw sa mining and sea transport. (hindi alam ni Alalu ito).
Si Enlil ay naging "Lord of Command," means na hawak niya ang lupa at sa Edin (Mesopotamia) at dito ang operation niya sa paghanap ng ginto, si Enki naman ay naging Lord of Seas and Oceans sa Abzu (Southern Africa) siya ang magooperate sa paghanap ng ginto sa ilalim ng dagat (dito din niya na-discover ang Atlantis, ang mga Atlantean na nakatira sa ilalim ng dagat at nagpaalam sa pagmimina, dahil kaunti palang naman sila at may kasunduan sa pag-share ng knowledge at machines ay pumayag naman sila dahil para sa kanila ay hindi sila harmless).
---------------------------------------------------------------------------
Extra Info:
Sa "Universal Law" kasi kailangan natin ng permission sa unang race na tumitira sa isang planeta, so kung sino man ang na-una dun ka magpapaalam, pagbigay galang yun.
-----------------------------------------------------------------------
Balik tayo sa main story..
Dito na nalaman ni Alalu (exciled king) ang ginawang hatian ni King Anu sa dalawang anak niya, at dahil sa wala sa napagusapan nila na pati ang Earth ay sa kanila (siya kasi ang nakadiscover), ayun nagdeclare siya na kung sino manalo ay magiging hari, naglaban nanaman ang dalawa, dating gawi, pero dito na lalala ang sitwasyon para kay Alalu, naglaban ulit sila gamit ang sariling lakas, walang armas na ginamit, sa init ng laban nila ay biglang hinila ni Anu ang paa ni Alalu at bumagsak ito, dito niya kinagat ang ari ni King Anu at dahil nakahiga siya ay nalunok niya ito, agad siyang nalason dito (sa Nibirans kasi kapag ang ari nila ay nakain mo or nalunok.. patay ka for sure, ang weird..) dahil sa desperado na talaga siyang makuha ang trono ay hindi na niya naisip pa yun.
Pagkatapos matalo at malason agad na tinulungan nila Enlil at Enki at ginamot ang namamatay na si Alalu, si King Anu naman ang nagsabing wala ng lunas at mamamatay na ang sino man ang kumain dito).
Anyway, pagkatali ni Enlil kay Alalu at naghihingalo na sa lason, Si King Anu naman ay isinabay na sa paguwi niya sa Nibiru, idinaan at iniwan niya ito sa Mars kasama ni Anzu (naghatid kay Enki sa Earth at loyal na co-pilot ni Alalu) para samahan para sa huling sandali niya.
Pagkadating na pagkadating ni King Anu sa Nibiru, pinatawag niya agad ang Counsils (people who are chosen to make rules, laws, or decisions about something) at pinalawak pa ang hanapan ng ginto, dahil inspired siya sa ginto ng Earth at maaaring meron din lahat sa bawat planeta sa Solar System natin.
Ipinadala ni King Anu ang isa pang babaeng anak niya sa ibang asawa na si Ninmah (The most beautiful Scientist at Chief Officer) kasama ang iba pang babaeng health officers (magaganda din sila) sa Earth, pero binilinan ni King Anu si Ninmah na dumaan sa Mars at kapag nakita daw niya si Anzu na buhay pa ay bigyan niya ng tauhan at gumawa ng base para tumulong sa pagmina ng ginto sa doon. Pagdating ni Ninmah ay nakita niyang patay na ang dalawa, di na naagapan ang kay Alalu dahil buto na ito, pero si Anzu ay nabuhay pa niyang muli.
Dahil sa mabait at may respeto si Ninmah kay Alalu na naka-discover ng Earth at nagligtas sa lahi nila, nagtulungan ang dalawa at gumawa ng rebulto ni Alalu sa bundok, ginamitan nila ng laser beam ang pag-carve at nagmukhang imahe ni Alalu ang bundok na nakasuot ito ng Eagle helmet pero kita ang mukha (See picture).
Pagalis ni Ninmah ay binigyan nga niya ayon sa utos ni King Anu si Anzu ng mahigit bente pirasong tauhan at pinagawa niya ng base para sa paggawa ng gold station sa Mars at makatulong din sa kanila.
Dito na nagsimulang lumawak ang hanapan nila ng ginto sa ibat-ibang planeta sa desperate na paraan mailigtas lang ang buhay sa kanila.
Nagsisimula nang magpuntahan ang mga Nibirans sa Earth para tumulong at maisalba ang planeta nila, napansin na ng Atlanteans ang pagdami ang mga Nibirans..
---------------------------------------------------------------------------
List ng family ni King Anu na pumunta ng Earth at naging mga leader sa ibat-ibang lugar..
LEADERS:
Enki, Enlil, and Ninmah - King Anu
Marduk, Thoth, Nergal, Ninagal, Gibil, Dumuzi - Enki's six son
Ninurta, Nannar, Ishkur - Enlil's 3 Sons
Utu and Inanna - Magkambal na anak ni Nannar (babae at lalaki)
OTHER GRANDSONS:
Asar, Satu, Nabu - tatlong anak Marduk
Gilgamesh - anak ni Enlil sa asawa niyang si Utu
---------------------------------------------------------------------------
Dito na magsisimula ang bangungot at maiipit ang ginawa nilang bagong race na idadamay nila sa iringan o pagaaway dito sa mundo natin...

-Kenzaki
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 1K
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
scorpion09

Online statistics

Members online
324
Guests online
5,637
Total visitors
5,961
Back
Top