What's new

Help Tmx Alpha or Click v3

10BIT

Eternal Poster
Joined
Apr 6, 2016
Posts
769
Reaction
617
Points
281
Age
29
Mga paps pinagpipilian ko Tmx Alpha or Click v3. Pang-commute lang for work, roughly around 7 kilometers lang back and forth. But planning for the future na long rides. Ano sa tingin niyo mas okay sakin paps? 5'4, 50 kilos.
Nasa option ko Tmx alpha since sanay na din magdrive ng manual tmx but with sidecar, and balak ko din unti-untiin i-convert sa classic. Sa click, di ko pa na-try pero based sa reviews okay siya, madaming features and ito na yung pinaka maxed budget ko. Baguhan pa lang din, wala pang alam sa maintenance. Ano mga dapat i-consider? Salamat in advance.
 
Kung marunong ka mag drive ng manual, sisiw na lang sayo yung Click v3. Ang kaso nya lang naging maselan na masyado yung Click v3 unlike sa Click v2. Kadalasan ng napapanuod ko na future na nagiging sira(hindi naman madalas, dipende sa riding habit) yung rocker arm, fuel pump sa Click v3. Mas maganda pa rin daw yung lamang loob ng Click v2. Sa automatic, ang pinaka maintenance lang naman ay yung paglilinis ng CVT, palit ng oil/gear oil, palit ng Coolant. Yan lang naman ang basic sa mga scooter. Medyo magastos kaysa sa mga naka aircooled engines at manual transmission.

Though sa long rides, solid naman talaga ang scooter kasi hindi ka na mapapagod kaka swift ng gears. Tsaka may spaces pa sa utility box, dagdag storage.

As for TMX Alpha, wala na akong masasabi dyan kasi legendary na yang motor na yan sa patibayan. Tapos kung i-convert mo pa sya into scrambler, nako napasolid talaga.

Kung 5"4" ka paps, tip toe ka po sa Click, kasi medyo wide yung seat nya.
 
legit ito buti V2 click nabili ko. More than a year na at wala pa rin issue. Ilan beses ko na nalong ride
 
Similar threads

Back
Top