What's new

Totoo bang may multo?

Legit po na may multo. I've seen one up close (mga 4 or 5 meters away from me). Actually kasama ko pinsan ko na nakakita pero ako yung nagka-opportunity na matitigan yung multo for at least 5 seconds since twice naiwan yung tsinelas ng pinsan ko sa tapat mismo nung multo gawa ng takbo kami bigla nung makita namin sa gilid ng daan.😅 I'm telling you they are real. Figure lang po ng babae yung nakita namin, all white (siya yung puti na walang illumination effect sa paligid) and kulot yung buhok niya lagpas bewang. Wala ka makitang mukha or ano man na bahagi ng katawan niya. But nakita ko mismo na gumagalaw yung ulo niya since nafrozen ako habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa akin base sa direction ng ulo niya. And on top of that, hindi siya nakaapak sa lupa. By the way, palubog na yung araw nung makita namin yung multo.
 
Last edited:
May demonyo dito sa mundo kaya posible na may multo din,mga nilalang na bihira lang makita o magpakita,ako nakakita ako yung black lahat na parang anino pero prang may abo yung anino,nung humarap saken walang mukha kaya naniniwala nko mula nun at may madami kapang hindi nakikita sa mundong eto na akala mo ay hindi totoo,yun pala nag eexist din pala sila gaya saten.
if you believe in evil meron din good di mapapag hiwalay yan . Ghost, elementals spirits are just the embodiment of Evil spirits which we call demonic. It's all in the mind we say but we can't deny the fact that there are things we can't explain.

totoo po yung ghosting dinako ni replyan e
pag ganon lods gapangin mo na haha
 
kung naniniwala ka sa multo naniniwala ka din sa diyos
yeah, thats the truth those na nag sasabi na its in the mind does not believe in God niether sa demons sa BIble is meron talaga nakasulat demons and ghost of those who are dead meron ding kulam , exorcist , demonic possesion these are real and we can't deny the fact that these things exist
 
Last edited:
yeah, thats the truth those na nag sasabi na its in the mind does not believe in God niether sa demons sa BIble is meron talaga nakasulat demons and ghost of those who are dead meron ding kulam , exorcist , demonic possesion these are and we can't deny the fact that these things exist
Tama nag eexist talaga sila at Hindi talaga maipagkakaila na Meron talagang ganyan.
 
hindi pa ako nakakakita pero yung mga sinasabi nila na paramdam lang. Yung tipong bigla ka na lang kikilabutan ng walang dahilan, yung feeling mo may kasama ka o may nakatingin sayo pero wala naman. Yung matindi yung kakalabitin ka o bubulong sa tenga mo yung mga ganun. Pero nakakatakot pa rin kasi ang weird.
 
Sabi ng mga marites kong tita meron daw batang multo sa bahay namin
pero kahit kelan naman hindi ko naramdaman lagi pa nga ako mag isa at gising ng madaling araw, patay pa mga ilaw pero hindi ko parin mahanap yung multo samin
Siguro kase madilim xD try ko on ilaw next time 🤣
 
To see is to believe si TS parang si Thomas nung nakipag usap sya ky Jesus..
Anyway opinion mo yan, sakin naman naniniwala ako jan. Porke hindi natin nakikita eh hindi na totoo?
 
Totoo ang multo , not the spirit of man, but the spirit of the devil. At Personal akong naka encounter non, una sa dati naming tinitirahan sa riles ng tren, that time nag lilipat na ng bahay mga tao don at wala na din kuryente, bandang past 12 ata yon nung naihi ako that time I was 7 years old . Umihi ako sa gate ng bahay namin then sa left side ko kita monung madilim na pathway na may kantuhan paliko pakaliwa papuntang bukid. Habang naihi ako, may naaninag ako na imahe ng maitim na maitim na bata , na naaaninagan ko gawa ng ilaw ng poste, tapos nakatingin sya saken tapos nanlilisik mga mata nya na nakatawa. Di pa ako tapos umihi non napatakbo agad ako paloob ng bahay namin , tapos di ako makatulog non hanggang 2am haha..

One more, nung nag care taker kami sa isang private Subdivision , likod non is kumpanya, tapos malapit kami sa sementeryo. Sa second floor kami natutulog grade 3 na ko non. Unang gabi nakakadinig kami ng may parang ginagalaw ung mga plato namin na porcelain na Tupperware. Lahat kami bumaba non pero walang tao, after non, may tumuktok ng malakas sa may pintuan papuntang garden sa baba din. Siguro 4 to 5 times, every 3 seconds. Grabeng lakas isang katok lang yon. Sabi ng mama ko baka daw magnanakaw after non umakyat na ulit kami. Pati ung nanay ko nakita ung tatay ko papunta sa lumang kwarto sa ibaba din pero pagtingin nya walang tao. So, ayun nakakakilabot at naiimagine ko kung iisipin pero matagal na yon.
 
Last edited:
Haha, ilang beses na akong minulto sa bahay namin dati.. Nung una umuwi ako ng 2am galing computer shop.. Eh medyo bukid pa yun nagtatakbo na ako nun pauwi kasi nakakaramdam ako ng yapak ng paa sa likuran ko atsaka sobrang dilim sa dinadaanan ko nun pauwi, so sa takot ko e tumakbo ako pauwi haha.. Tapos eto na nga nung nakatok na ako sa bahay este katok na ako ng katok tapos nung pag tingin ko sa likod ko e wala naman pero as in takot na takot na ako nun.. At nagulat ako kase pinagbubuksan na ako ng pintuan, unti-unti niyang binubuksan yung lock sa loob ng pintuan.. Tapos nung nabuksan na ang pintuan nung hinawi niya na yung pintuan nakita ko yung kamay niya matanda na so akala ko lola ko ang nagbukas saakin ng pintuan pero... Pero nung bukas na bukas na yung pintuan e wala namang taong sumalubong saakin.. So ang ginawa ko dahil mas natakot ako lalo takbo ako papuntang kwarto namin kung saan natutulog lola ko, ginising ko talaga haha at tinanong ko sakanya na "Lola, ikaw ba nag bukas ng pintuan?" Sagot niya naman saakin "Hindi" at ang sabi ko ulet "Eh sino nag bukas saakin ng pintuan, tulog pala kayong lahat?".. Hahaha yawa nakakatakot yun as in🤣🤣
 

Similar threads

Back
Top