What's new

Help Transfer o Continue?

djcreep

Eternal Poster
Established
Hello mga Lods!

Hihingi lang po sana ako ng opinions.
I'm a 2nd yr college student sa AMA Computer College taking up Computer Engineering. I'm thinking of transferring sa University dito sa amin, pero nagdadalawang isip ako dahil magsisimula ulit ako sa 1st yr pero nagpa-evaluate na din naman po ako kaya alam kong majority ng nakuha ko ng subjects ay maccredit. Ang iniisip ko po kasi baka tulad sa mga napapanood ko, na tinitingnan ang reputation ng school na pagtatapusan ng kolehiyo. And baka most of the companies will consider hiring those who came from a good school. I'm not looking down po sa school ko, kasi may advantage naman talaga ang AMA lalo na at online, pero parang iba pa din kapag face2face and hands on kaysa sa modules lang at halos spoon feeding ang lessons. Tapos ang laboratory namin kasali sa binabayaran pero modules pa din walang hands on experience pakiramdam ko po wala akong natututunan masyado. O baka dahil sa branch lang namin to dito sa Naga. Ewan ko po, wag po sanang makainsulto ito sa kung sino man ang nag-aral o nag-aaral sa same school. Wala po akong intensyon na manginsulto o may maapektuhan sa post ko. Nagsshare lang po ako ng opinyom at saloobin ko din. Sa tingin nyo po mabuti kayang magtransfer na lang o magstay. Any comment will be much appreciated. By the way, 2nd yr po ako 2nd sem currently.

Maraming salamat po.
 
Ganun po ba lods. So more on skills po dapat instead of graduating from a reputable school? Oo nga po nasasayang din ako, kaya nga po undecided ako kasi ilang factors din ang tinitingnan ko. Yung oras ng trabaho at aral, then yung ibang duties ko pa sa bahay tapos syempre yung pahinga since working student ako. Tapos since self-supporting mas mataas tuition ng prestigious university dito samin lalo't f2f. Tapos yung fact na uulit nga talaga ng 1st yr.
kung yung lilipatan mo same course lang din pero bagong school pwde mo parin ma credit yung grades mo from prev school...unless mag new course ka balik uno ka talaga
 
di mag rerefer ang school niyo na aalisan niyo into other school wala sakanila yan,pero yung hd and gmc mo pwede mo hingin sakanila yun para ikaw na kusa magdala sa lilipatan mo tapos yung TOR mo isesend nang past school mo don sa lilipatan mo na bago via ex.LBC,etc...na couriers..
So hindi ko po mahahawakan ang original na TOR ko lods?
 
So hindi ko po mahahawakan ang original na TOR ko lods?
yes hindi unless ika padalahin nila nang TOR mo ganito kasi yan may confidentialitykasi yan na document mski sabihin nating alam mo na grades mo from the begining of your college days sakanila....pag TOR for other school naka sobra lang yan na malaki or white envelope tapos sealed di mo yan pwede buksan...only registrar personel can open the file...and if for employment naman pwede mo masilip yan kasi pwede ikaw mismo kumuha pag pwede na kunin from prev school mo
 
kung yung lilipatan mo same course lang din pero bagong school pwde mo parin ma credit yung grades mo from prev school...unless mag new course ka balik uno ka talaga
Yung nalilito lang po ako lods eh sa part na halimbawa 5 subjects na lang sa first yr ang hindi ko natake dahil wala yung dating school ko nun compared sa bago. Sabi sakin irregular first yr ako, maccredits ang mga natake ko atleast mostly, pero pag natapos ko na po ang 5 subjects sa 1st yr, tatalon na po ba ko sa 2nd yr? o 1st yr 2nd sem pa din as part of policy. Kung 1st yr 2nd sem since naubos ko na po ang subjects sa 1st yr, 2nd yr subjects na po na ittake ko o jump na sa 2nd yr level ko?
 
ganito para di ka malito sa subs mo sa lilipatan mo since irreg ka din gaya ko.... ask mo for assistance si admin or school dean para mag suggest nang subs mo na pwede mo makuha para accurate track nang subs makuha mo kasi si dean pwede mag suggest sayo yan nang exact subs and maski pa mag jump kana from 1st yr to 2nd year yung mga subs mo na di mo nakuha kasi di offer during the curriculum babalikan mo padin yan pag open na or offered na kasi meron talagang semesters na available ang isang sub and meron ding close...kaya pag di mo na kuha yan possible antay ka next sem or next year na semester na mag open yung subject maski pa umabot ka sa 4th yr irreg as long as may natira ka na subs maski minor or major pa yan pwede mo yan balikan as long as offered
 
Malinaw po lods. Pagpunta ko po dun itatanong ko yan para sigurado. Salamat po ng marami sa pagspend ng time to understand my situation and respond. Thank you thank you po.
 
Malinaw po lods. Pagpunta ko po dun itatanong ko yan para sigurado. Salamat po ng marami sa pagspend ng time to understand my situation and respond. Thank you thank you po.
welcome just sharing my knowledge lang as past registrar staff and student na rin kaya kabisa ko struggle natin sa docu process hahaha

basta best if makapag pa guide ka sa registrar or sa dean nang lilipatan mo much better kung si dean mismo kasi babasehan non subs mo from old school to the current offered subs nila if bigyan ka nang 5 subs try mo ask if kaya 8subs since nasa lower year kapa kaya mostly minor palang subs mo consisting 3units per subs and max unit na pwede mo e load is nasa 23 units to 27 units...kaya try mo magkarga nang 8subs
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top