Ito ang naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa sinabi ni Senator Bato dela Rosa patungkol sa confidential funds.
Sa naturang interview, nabanggit ni Senator Bato na hindi naman umano lumabas ang issue ng confidential funds “noong panahon na ang vice president ay miyembro ng oposisyon.”
“Bilang kaalyado po ni Vice President Duterte po ’no, ano po ang inyong take dito sa kanyang mga inaabot na issues ngayon? Sa tingin niyo po ba ito ay talagang mayroon siyang dapat sagutin o talagang ito ay napupulitika lang siya?” tanong kay Dela Rosa sa isang panayam sa Teleradyo Serbisyo.
“Nung si Vice President Leni Robredo nakaupo sa Office of the Vice President, tahimik naman itong oposisyon, hindi naman nila kinakalkal ’yan. Pero ngayon, masyadong maingay,” saad ni Dela Rosa.
“At hindi lang oposisyon, pati na rin ’yung mga pupwedeng magiging apektado sa pagtakbo ni Vice Mayor Inday Sara sa bilang Pangulo sa coming elections na darating na eleksyon. So most likely, pulitika. May halong pulitika,” wika pa niya.
“Walang bumanat sa confidential funds ni dating VP Leni dahil wala siyang confidential funds,” sagot naman ni Senator Risa sa isang panayam.
“At ’yung pagbanat ngayon sa confidential funds ni VP Sara ay hindi pagbanat sa personahe ni VP Sara. Pagbanat siya du’n sa sobrang laki at wala sa lugar na confidential funds,” dagdag pa ng senador.
Source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: