hombrobuenoteddy
Addict
- Joined
- Aug 19, 2016
- Posts
- 179
- Reaction
- 38
- Points
- 109
"YOSI TAYO"
A SPOKEN WORD POETRY
Paano nga ba ang pakiramdam ng mainlove sa ikalawang pagkakataon sa iisang tao? Hayaan mo at isasalaysay ko sa iyo kung paano. Idedetalye ko kung paano muling magmahal pagkatapos na ikaw ay mabigo. Ikukuwento ko kung paano maghanap ang isang pusong nangulila. Uumpisahan ko sa salitang "YOSI."
Ilang taon na nga ba akong naninigarilyo? Siguro halos kalahati ng edad ko ngayon. Ganun na ako katagal nagyoyosi. Labinlimang taon. Pero sa loob ng labinlimang taon ay natagpuan ko ang isang kahulugan ng salitang yosi. Yun pinakamatamis na kahulugan nito. Kapag nagsasalubong ang mga usok ninyong dalawa ng mahal mo. Kapag sisindihan ninyo ang mga sigarilyo ng iisang lighter. Kapag magkukrus ang mga landas ninyo sa iisang tagpuan para lamang makasama ang isa't isa na magyosi. Wala ng mas tatamis na pagkakataon bukod sa dalawang magkawak-kamay na nagyoyosi.
Ngunit isang gabi ay nalango ako sa alak. Nanigarilyo ako ng mag-isa na malayo sa aming tagpuan. At kakilakilabot na ang mga sumunod na naganap. Isang pagkakamali ang aking nagawa at lubha ko itong pinagsisisihan. Dahil sa pagkakamaling ito bigla na lamang naglaho ang lahat ng tamis sa isang iglap. Lumipas ang mga araw na wala ng kaming dalawa sa aming tagpuan. Ang naiwan na lang doon ay isang usok mula sa isang pusong nasaktan. Naiwan akong magisa dito sa kuwartong ito, pilit na naghintay ng isang text na nagsasabing, " Tara yosi tayo. " Pero lumipas ang mga araw nangulila ako sa nagiisang text na yan. Ni hindi ako makalabas ng bahay dahil tanaw na tanaw ko lang ang aming tagpuan. Sabay matutulala ako dahil gustuhin ko man pumaroon ngunit wala namang naghihintay sa akin doon. Yun pakiramdam na biglang huminto ang oras mo na nangangarap ka na lamang ng gising at nabubuhay sa nakaraan na hindi mo alam kung nakaraan na nga ba talga o may karugtong pa sa kasalukuyan.
Ngunit anong sugat ang hindi kayang gamutin ng pag-ibig?Sabi nga nila paglipas ng unos ay sisikat parin muli ang araw. Pinilit kong abutin muli ang aking pangarap bago pa man ito tuluyang mawasak. Unti-unting nabuo muli ang mga pares ng usok sa aming tagpuan.
PAG-AKYAT SA BUNDOK A Spoken Word Poetry
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
May lumuksong ideya sa aking kaisipan ,
Pangarap na nililok ng isang nakakulong na liwanag
sa madaling araw;
Binuo ng sumisingaw na kapighatian,
Binuhay ng anak ng liwanag,
Sa mabilis na sumasalubong umaga.
Ang mga damo ay maghihintay,
Upang ang kanyang mga butil ng hamog
ay patuyuin ng aking mga panyapak.
Ang mga dahong tahimik naman,
Ay bahagyang iindayog,
Tila sasayaw sa bawat pagpunas ng pawis
ng isang manlalakbay.
Yayakap ang isang kakaibang lamig,
Sa nasa loob ng kasuotang dadalhin.
Ang haharap na mundo ay dudungaw
mula sa kalayuan,
Sa mga matang mabibighani sa kanya.
Iaangat ng mga oras ang aking mga paa.
Sila ay hahakbang patungo sa panganganak
ng naglaro sa guni-guni.
Saluhin mo Kabundukan
ang aking mga bibigkasin sa iyo.
Pakinggan mo ang nasa loob ng aking puso
sa ating pagtatagpo.
Dahil ikaw ay aking aakyatin.
Ang iyong bagnos ay aking susundan
kapiling ang aking matamis na anino.