Nung nakasakay naman ako sa UV Express may sumakay na mama at pagkasara ng pinto mga ilang minuto lang bumaho sa loob ng van na parang imburnal na parang may tae. So, along SLEX na kami nagsalia na yung driver, " Hoy! baka may tumae na dyan idinamay mo pa sasakyan ko. " Sabay mura galit na galit na ipinarada sa tabi yung sasakyan at binuksan yung van at hinanap o itinanong kung sino ang nagmilagro. Wlala namang makita, basta mabaho. Tapos nung makapaso na kami sa Exit ng Sta. Rosa pumara yung mama na huling sumakay pagkasara nung pinto mga ilang minuto lang nawala ang mabaho. Nagsalita na yung katabi na humihingal na nagkwento na medyo nakatawa. Matindi raw 'bad breath' nung katabi nila. Ganun din sabi nung isang katabi at nahiya lang silang punahin at baka magalit o mapahiya. May ganung pala klase ng bad breath sobrang lakas talaga, sabog sa loob ng van. Hindi ako mapangpuna o anu pa man pero kawawa naman yung tao at may ganun syang kondisyon.