What's new

A letter to wife

Status
Not open for further replies.

mikeulangot

Enthusiast
Joined
Dec 9, 2018
Posts
4
Reaction
0
Points
62
mentally, emotionally, spiritually unstable ako, bakit? mentally (alam ko matalino ako at madami akong kayang gawin, pero sobrang dami kong naiisip na di ko alam kung saan nanggagaling, actually alam ko naman, talagang di lang natin pinaguusapan kasi nga malamang wala kang interes, o malamang naiinis ka, mga kakaibang bagay madalas, madalas wala sa norm), emotionally (alam ko i'm still a man na makapagmamahal ng lubos sa isang babae, pero di ko alam kung tama ako sa alam ko dahil sa nangyayari sa atin), spiritually (kahit sa tingin mong alam mo ang buhay ng isang pinanganak na saksi, hindi mo talaga alam dahil hindi mo naranasan yun)

ngayong nagkapamilya tayo at may 2 anak na matatalino, pogi at maayos, gusto ko lang sabihin na salamat at maayos nating naidala sila sa mundo. ang hindi lang natin maayos ayos ay tayong dalawa. takot akong kausap ka, o maaaring ayaw kong kausap ka dahil lagi kong nararamdaman na mali ako, antapang tapang lage ng dating mo sa akin na nauuwi sa nararamdaman kong wala akong kwentang asawa o tao

ang gusto ko lang naman - makausap ka ng maayos sa lahat ng pagkakataon, kasi usap lang naman yun, hindi naman porket hindi sangayon sa isat isa ay di naman kelangang mauwi sa away yun dahil usap lang naman un, pede namang magkompromiso, pero hindi nangyayari yun dahil sa kinatapus tapusan, lage kong nakikitang naiinis ka, kaya nananahimik na lang ako or lumalayo, tapos pag lumalayo ako, pakiramdam ko ok lang din sau kasi tingin ko iniisip mo eh ako naman ang lumayo, e di ako din ang bumalik, kaya lalo kong nararamdaman na lagi ako ng mali, walang kwenta, at umalis ako dahil pinili ko yun, parang sinasabi mo lage na "kung ayaw mo, e d huwag mo"

gusto ko lang maging kaibigan ka na nasasabihan ko ng lahat lahat ng takot ko, nasa isip ko ng hindi ka maiinis o magtatanong sa isip mo kung bakit ko naiisip yung mga bagay na yun at bakit kelangan ko pang sabihin yun ng di ko muna iniisip kung dapat ko bang sabihin o hindi

di ko nga alam kung sa pagsasabi ko nitong mga bagay na to ay maiinis ka na naman o baka isipin mong bakit ko sinasabi to at mali na naman ako

sa kabila ng lahat ng kasalanan ko sa yo, inaayos ko lahat mula ng iniwan ko si x, ni hindi nga natin mapagusapan yung pakiramdam ko bilang parang nakapatay ng tao dahil sa kasalanan ko, alam mo bang nababagabag ako dahil dun, o baka isipin mong iniisip ko na dapat di ko na lang siya iniwan, pero hindi ganun eh, ang sa akin, gusto kong ayusin, kaya eto ako, nagaayos, naghanap ng maayos na trabaho para sa kinabukasan ng pamilya, iniisip ko pa ngayon na baka sabihin mong sumbat ito, pero hindi naman talaga ganun

kelangan ko lang ng kausap na pakikinggan ako at kakausapin at hindi magsasawa kahit paulit ulit ako. yung magggrow tayo pareho dahil open tayo sa paguusap ng hindi nagiisip ng kung anong bagay kundi iniintindi kung bakit naiisip ng isa ang naiisip niya

ngayon, gusto ko lang malaman mo na simple lang ang solusyon dito, kelangan mo lang tanggapin na nagbago na ako at panghawakan na hindi na muling gagawa ng kalokohan, kung tatanggapin mo yan sa sarili mo, makikita mo ng malinaw ang mga sinasabi ko sayo

pero kung hindi, makabubuti na maghiwalay tayo ng maayos at maging sibilisadong magulang para sa mga bata, ngayon, sinasabi ko to hindi dahil ito ang gusto ko kundi dahil hindi tayo magkakaintindihan kung hindi mo babaguhin ang pagtingin sa akin

oo, ang sabi nila, kelangan ng panahon para mag-heal ang sugat na nagawa ko, pero sayang ang panahon kung aantayin natin ang heal kc wala naman na akong ginagawang masamang bagay ngayon mula ng bumalik ako sa inyo

sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano dapat kong sabihin, pero ang alam ko lang ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa ko ngayon dahil para sa iyo at sa mga anak natin

kung ayaw mo na, sabihin mo lang, dahil ayaw ko na ring masaktan ka or umiyak ka kahit di ko sinasadya lalo na dun sa mga bagay na kahit naguusap lang, hindi pa din magkaintindihan

masasagot mo agad to sa totoo lang kasi alam mo naman ang gusto ng puso mo, ako alam ko, makasama kayo ng mga bata, pero, gusto ko makasama at makausap palage ng di makaramdam na lage akong mali, kundi magusap lang, pagkompromiso, nang di ka magsasawa kahit paulit ulit ako, hindi naman mahalaga kung sino ang tama o mali sa isang discussion eh, hindi ko naman pinupunto na porket hindi lang nasunod ang gusto ko ay nagagalit ako, hindi yun ganun at hindi ako ganun. dahil ang bawat paguusap at pagdedecision ng hindi magkasundo ay nauuwi palage sa compromiso

ayaw kong tumanda at makasama ka ng may takot at ng nagaalangan palage kung sasabihin ko ba sa iyo ang nasa isip ko o isikreto ko na lang kaya sagutin mo agad pagkabasa mo nito para alam na natin kung ano ang gagawin natin sa susunod na pagkikita natin, di mo na to kelangang pagisipan kasi di naman to bago

kung nde tayo maghihiwalay, kelangan nating magusap ng tayo lang, lumabas, mag-date o magbakasyon saglet, magusap ng lahat lahat ng nasa isip, di mahalaga kung tama o mali, ang mahalaga may compromiso, magsama ng may respeto sa isat isa, naguusap kahit paulit ulit ng hindi naiinis, hindi nagtatago ng sikreto at di magaalangan sa gustong sabihin, maging magiliw sa isa't isa, may pananabik sa pagsasama

kung maghihiwalay tayo, kelangan na nandiyan din ako para sa mga bata, d mo ko kelangang asikasuhin, pero kelangan na nandiyan din ako para sa mga bata dahil sa kanila na lang ako kukuha ng lakas para magpatuloy sa buhay

kelangan mong magdecide, kasi nasabi ko na sau kung ano ang gusto ko, tama na kadramahan, pagod ka na, pagod na din ako
 
wala naman na akong ginagawang masamang bagay ngayon mula ng bumalik ako sa inyo

I believe pangangaliwa yung punot dulo nito, dba?
Why do it in the first place though? Haven't thought of the consequences?
And now that you realize everything you did, now you are afraid?
Be a man. panindigan mo lahat ng sinasabi mo na talagang nagbago kana.. at kung di man nya yun matatanggap.. tanggapin mo nalang din.. di mo rin naman siya masisisi..


wala lang.. napansin ko lang tong post nato :D
 
I believe pangangaliwa yung punot dulo nito, dba?
Why do it in the first place though? Haven't thought of the consequences?
And now that you realize everything you did, now you are afraid?
Be a man. panindigan mo lahat ng sinasabi mo na talagang nagbago kana.. at kung di man nya yun matatanggap.. tanggapin mo nalang din.. di mo rin naman siya masisisi..


wala lang.. napansin ko lang tong post nato :D

not exactly pangangaliwa ang punot dulo - pero may pangyayaring ganun
thought of consequences - yes
afraid of what?
being a man ay di lang puro paninindigan, may kasama ding gawa at yun ang ginagawa ko
hindi sa ayaw tanggapin and di niya matanggap
if you look into the context ng sulat, this is about communication, compromise and friendship
 
may kahabaan yung sulat mo kaibigan.... di ko na binasa, pero may lamat ang inyong relasyon at base sa nagcomento, may third party na involved.

kahit matagal na yan, mauungkat at mauungkat pa rin yan.
tulad nga ng sinabi ko, may lamat na ang inyong relasyon. parang salamin na nag*****, hindi mo na maibabalik pa sa orihinal na estado nito.

it's easy to forgive, but it's not easy to forget.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top