Hi mga ka Phc. Gusto ko lang i share yung na eexperience ko ngayon hehehe. Alam mo yung feeling na may isang tao na umagaw ng atensyon mo? Bale katrabaho ko s'ya sa isang food company, bago lang ako pero unang kita ko palang sakanya talagang ewan ko ba nabighani talaga ako hehehe (ganda kasi ng mga mata n'ya). At eto na nga, sa ilang araw na nagkakatitigan kami sa canteen tuwing breaktime na curious ako kung ano kaya pangalan n'ya kasi mga ka Phc naghuhulihan talaga kami ng sulyap sa isa't isa hehehe. At dahil may taglay tayong galing sa pananaliksik ay nalaman ko ang pangalan n'ya ng walang tulong ng ibang katrabaho so walang nakaka alam na iniimbistigahan ko s'ya hehehe. At laking gulat ko kasi same kami galing sa Bicol ha ( na stalk ko na fb nya last week pa hehe) . At kanina lang nga din ay nalaman kong iisa lang kami ng barangay na inuuwian dito sa meycauayan bulacan gosh! I was like "What the fvck man???!!!" Sa totoo lang hindi ko masyadong trip yung trabaho pero isa s'ya sa mga dahilan kung bakit pumapasok pa ako hehehe. Na experience n'yo na ba 'to? Pa'no ginawa n'yong response or approach?