yes naman, marunong ako magluto, maglaba, magplantya, amgtahi, maghugas ng pinggan, mag-ayos ng bubong, tagas sa gripo, semento, mag ayos ng kuryente, computer, printer laptop, may trabaho ako 9 hours, nag aalaga ng anak namin sa day off ko,
in short, marunong ako magkusa.
oo totoo hindi lahat ng lalaki marunong sa gawing bahay, hindi rin lahat good provider. same as sa mga babae, merong ding hindi marunong sa gawaing bahay at wala ding alam sa trabaho para kumita.
kaya masasabi ko, sa pagpili ng partner sa buhay, hindi sapat ang maganda or gwapo lang, at kung ano man ang kakulaan sa isat isa, pag usapan at gawaan ng paraan at hindi kaylangan magsisihan or magsumbatan. walang perpektong asawa at wala ding perpektong pamilya, pero responsableng pamilya/magulang meron.