What's new

Help BSOD and Slow booting on my laptop

FourS

Honorary Poster
Established
Mga boss pwede po pa help? Yung laptop ko kasi nalaglag 2 days ago ng umaga nagkadent lang yung case niya and nabukas ng konte yung casing ng led screen. Pag gabi ginamit ko siya mga 2 hrs ko napag gamit biglang nag BSOD hinayaan ko lang kasi akala ko dahil sa RAM lang na lumiit yung available kasi ilang tabs ng google chrome nakabukas tapos yung RAM niya na avail is nasa 500 MB nalang (laptop specs Ryzen 5 8GB RAM).

Umulit lang ng umulit yung BSOD pero hinayaan ko lang din kasi kala ko talaga sa availability lang din ng RAM at umiinit na siya ng husto.

Tapos kanina, nag BSOD ulit kaya force off ko nalang tapos pag turn on ko ang tagal na mag boot up after neto malag na yung cursor at pag tingin ko wala na yung HDD ko, SSD nalang natira lahat ng files nawala.

Tanong lang mga boss. Ano kaya possible cause neto? Meron bang loosen hardware nang dahil sa pagkakalaglag? Salamat po sa pagbasa at sa mga sagot niyo.
 
Salamat sa pagbahagi ng iyong problema. Ang mga sintomas na iyong binanggit ay maaaring magkaroon ng iba't ibang mga sanhi. Narito ang ilang mga posibleng dahilan at mga solusyon na maaaring tulongan kang malunasan ang iyong problema:

1. Pagkahulog ng laptop: Ang pagkakahulog ng laptop ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga internal na bahagi ng iyong laptop. Maaaring mabukas o mabali ang mga koneksyon ng mga hard drive o RAM. Upang matugunan ito, kailangan mong suriin ang mga koneksyon ng iyong laptop at tiyakin na ang mga ito ay nakaayos nang maayos. Kung mayroong anumang pinsala, kailangan mong dalhin ang iyong laptop sa isang propesyonal na serbisyo ng laptop upang maayos ito.

2. Blue Screen of Death (BSOD): Ang mga regular na BSOD ay maaaring magpahiwatig ng isang mas malalim na problema sa iyong laptop. Maaaring magkaroon ng mga isyu sa software, tulad ng mga driver na hindi naa-update o mga pagkakamali sa sistema. Maaaring subukan mong mag-update ng lahat ng mga driver sa iyong laptop, pati na rin ang iyong operating system. Maaari kang maghanap ng mga update sa website ng manufacturer ng iyong laptop o gamitin ang mga tool tulad ng "Windows Update" upang mahanap ang mga pinakabagong updates.

3. Pagkawala ng mga file: Kung nawala ang iyong mga file pagkatapos ng BSOD, maaaring ang iyong hard drive ay naapektuhan ng pinsala. Maaaring subukan mong gamitin ang isang ibang computer upang subukan ang iyong hard drive. Kung hindi ito nagpapatuloy, maaaring kailangan mong dalhin ang iyong laptop sa isang propesyonal na serbisyo ng data recovery upang subukan at maibalik ang iyong mga nawawalang file.

4. Overheating: Ang iyong pagsasalarawan ng "umiinit na siya ng husto" ay nagpapahiwatig na maaaring mayroong isyu sa pag-init ng iyong laptop. Ang sobrang init ay maaaring magdulot ng mga problema sa hardware tulad ng mga pagkakamali ng pagbasa ng hard drive. Maaaring subukan mong linisin ang mga fan ng iyong laptop at siguraduhin na walang anumang mga blockage na nagpapahirap sa daloy ng hangin. Maaari mong subukan din na ilipat ang iyong laptop sa isang tuwid at malamig na lugar habang ginagamit mo ito.

Kapag ang mga solusyon na ito ay hindi gumana, maaaring kailangan mong dalhin ang iyong laptop sa isang propesyonal na serbisyo ng laptop upang matugunan ang problema. Ang mga propesyonal na teknisyan ay may mga kasangkapan at kaalaman upang masuri at maayos ang mga sira na hindi madaling malutas ng mga ordinaryong gumagamit.

Tandaan na ang mga solusyon na ito ay mga pangkalahatang suhestiyon lamang at maaaring magkaroon ng iba't ibang mga solusyon batay sa eksaktong sanhi ng problema.
 
1st naka hdd ba yan kung naka hdd baka nagasgasan na yung disk
2nd kung umiinit pwede na loose yung cpu fan
3rd mas mabuting ipacheck sa technician para ma pinpoint ang problema
 
1st naka hdd ba yan kung naka hdd baka nagasgasan na yung disk
2nd kung umiinit pwede na loose yung cpu fan
3rd mas mabuting ipacheck sa technician para ma pinpoint ang problema
Naka SSD yung C: at yung D: naman HDD. Yung D: drive po yung nawala after mag BSOD ng ilang ulit
 
tanggalin mo ung drive D pag hard drive kase sensitive sa impact ang mga hdd tapos try mo ngayon
Nasira yung HDD boss
feel ko may umalog sa mga parts nyan if nahulog
Di na mabasa yung HDD nasira ata yung arm niya. First time ko lang nakakita ng HDD ng laptop ang liit pala for sure yung arm neto ang nipis din
fix ntin.message me
Salamat po boss. Ok na now, binilhan ko nalang ng bagong SSD.
 

Similar threads

Back
Top