rem_o
traded pair:
XRP/PHP
LIMIT sampol
current
bid: 22.79 (eto yung mga barats na trader na gusto makabili sa presyong ito)
current
ask: 23.84 (eto mga traders na gusto magbenta sa presyong ito)
ngayon pupunta ka sa
LIMIT na option para ikaw mismo magset ng gusto mo na presyo,
sample1: gusto mo bumili?
=nasa sa iyo kung makikisunod ka sa mga barats na nagbibid sa presyong
22.79 or
=pwede mo iset ng mas mababa pa kung mas barat ka sa kanila, kagaya ng magbid ka sa presyong
21.50, 21.30 etc
=kung galante ka naman pwede mo taasan sa nambabarat sa 22.79 at gawing
22.80, 22.90 etc
sample2: ngayon gusto mo magbenta?
=kung ang ask price ay 23.84 pwede mo taasan presyo mo at magbenta sa
24, 25, 28, 30 etc
=kung gusto mo naman ibenta ng mas mababa sa current ask price na 23.84 at ibenta sa
23.83, 23.5 etc para mabenta agad pwede din
pero bago gawin yan mas mainam alamin muna kung ano yung trend ng market gamit ang chart at hanapin mo support at resistance levels (sampol lang)
pwede mo din gawing support yung
lowest price ng
previous candle stick as
reference mo na yun ang
support at hanggang hindi mabasag o baba dito ay pwede ka mag abang at bumili malapit sa presyo na ito.
kung lowest price kahapon nasa 22.30, pwede ka na mag bid ng
22.50, 22.60 etc at kapag bumagsak naman presyo ay pwede mo na ding gamitin yung
22.30 as
cut loss point mo at ibenta para dika masyado malugi, depende yan sa plano mo as trader.
toveecontinued...
STOP orders
buy STOP order
ngayon pag tamad ka magbantay at tumingin sa chart araw araw at naniniwala ka na babalik sa presyong
30 petot pataas balang araw, pwede kana pumunta sa
STOP at select yung
buy at magbid ng mas mataas sa
current market price na
22.75 at iset sa
23, 24, etc
oras na umakyat ulit ang presyo at tatamaan yung bid mo na
23, 24 etc ay mafifill yung order mo na kahit hindi ka nakabantay, yan ang
buy STOP order bibili ka in advance kung sa tingin mo ay tataas pa ang presyo sa kasalukuyan.
downside nga kako is paano kung nahit yung presyo na gusto mo
(23, 24 etc) sabay bagsak, lugi negosyo
pero paano kung tuloy naman ang presyo at naging
28, 30 etc? edi langit ang saya at pwede kana magbenta
dalawang purpose naman pag sell stop order
sell STOP order (cut loss purpose-protect funds)
=kunwari nakabili kana sa
22.75 pwede kana pumunta sa
STOP tapos
sell ka sa presyong ayos lang sayo na may konting lugi sa pondo mo kung sakali mang bababa pa sa presyong napagbilhan mo na 22.75 at ibenta mo sa
22.50, 22.45 etc
=proteksyon mo lang ito kung sakali mang hindi umayon sayo ang gusto ng merkado at bumagsak presyo sa 21 or 19 petot at least konti lang ikakalugi mo kumpara sumadsad sa 19 petotet at mabenta agad sa
22.50, 22.45 etc na kahit hindi nakabantay o log in sa account.
sell STOP order (trail stop purpose-protect profit)
=kabaliktaran naman sa taas kung nakabili ka sa
22.75 petotet at umakyat na sa
28 petotet pupunta ka ulit sa
STOP tapos
sell ka sa presyong mas mababa sa 28 petot kagaya ng
27.75, 27.80 etc sa gayon ay kahit bumagsak mula 28 petot papuntang 27 ay matik mabebenta muna sayo na naipila mo sa presyong
27.75, 27.80 etc para hindi mabawasan iyong kita
=kung patuloy ulit na umakyat sa
30 petot ay pwede muna ikansel yung sell STOP mo sa 27.75, 27.80 at iakyat ulit habang tumataas ang presyo at iset sa
29.20, 29 etc
=kaya habang paakyat ang presyo ay iadjust mo din yung sell STOP order mo lalo na pag kumikita kana para protektahan ulit yung kita
so aralin mo lang paps yung
risk reward ratio madami sa YT, kunwari
1:3 ibig sabihin ok lang na matalo ka ng isang beses pero panalo ka tatlum beses may kita ka padin
parang nagpatalo ka ng piso pero nanalo ka ng tatlong piso, may dalawang piso ka pang kita
para mas madali sayo kung anung presyo ka bibili at kung kelan magbebenta kung alam mo na ang yung sariling risk reward ratio pag nagtrade.
ika nga may plano ka lagi kuna san magandang entry at exit kung ikakareer mo pagiging trader at kada presyo na pipiliin mo alam mo kelan mo ibebenta parang ganito.
"bibili ako sa presyong 23 at icucutloss ko sa 22 kung bababa at matatalo lang ako ng piso, pero kung umakyat ito sa 26 ibebenta ko na"
-risk 1 petot, reward 3 petot-
enjoy!