What's new

Converge Putol Pero may Internet Connection

Kisinagawa

Forum Veteran
Di ko alam if pwede ishare e katakot baka îllégâl. Ito lang hint dyan if marunong kayo gumalaw ng super admin ni Converge kaya nyo tanggalin ung nirestrict nilang modem nyo. Tagal ko na gamit to di ko alam if may iba nakakaalam kinakalikot ko lng super admin then ito nakakaML,YøùTùbé lahat lahat bsta marunong kayo gumalaw.

Ito proof na wala na kaming net according to converge na 3months na walang bayad tlga yan ewan bat 2months. Di ko shinashare to sa iba baka kasi îllégâl katakot lang pero ito proof.
1664557802318.png


1664557823520.png
 

Attachments

It doesn't work that way...
TR069 lang ang binago mo. For remote troubleshooting purposes lang nila yan. Wala kang magagawa diyan sa ONT/ONU side. Nasa account mo mimso na nasa system mismo ni Converge naka-link ang serial number ng modem mo.
Kung hindi magsync ang serial number na naka-link sa account mo at sa serial number ng modem mo, mawawalan ka ng internet.
TR069 lang yang ginalaw mo at hindi niyan mababago ang mga information na nasa account mo na nasa system mismo ni Converge.

Probably may promo yan si Converge kaya di ka napuputulan...
Kasi kahit na anong gawin mo diyan sa modem mo, bagu-baguhin mo man ang settings at configuration na nandiyan, the fact na sa account mo pa rin na nasa system ni Converge tumatakbo ang buong configuration ng bandwidth allocation, due date, disconnection and others, wala ka rin talagang magagawa diyan. Hawak pa rin ni Converge ang account mo.

At kahit pa binago mo ang TR069 server niyang modem mo, the fact na hawak pa rin ni Converge ang account mo, at firmware pa rin ni Converge ang tumatakbo sa modem na yan, maaaccess at maaaccess pa rin ni Converge ang modem mo. In short, makikita at mamo-monitor pa rin nila ang mga logs ng mga changes na ginagawa ng subscriber nila sa modem nila. Kahit nga kung ilang devices ang currently naka-connect is makikita nila. At makakapag-upload pa rin sila ng configuration, at makakapagdeploy pa rin sila ng firmware updates remotely via OMCI PLOAM. Kasi nga hawak pa rin nila ang account mo, at wala kang pwedeng gawin para bumitaw ka sa access nila, unless ipa-terminate mo ung subscription mo.

Also, nakikita pa rin yan ni Converge na active yung account mo. Dahil kung nakita nilang hindi na active yung account mo, tatanggalin ka na nila sa slot mo sa NAP box. Not sure kung ilang months ang SOP ni Converge diyan, kay PLDT kasi is pag inactive na ung account mo ng 3 months, aalisin na nila ung line mo sa NAP box, at ipapagamit sa mga new subscribers kesa naman naka-tengga lang ang slot na yun, sayang.
At pag ganyan na ang nangyari, LOS ka na at wala ka na talagang magiging connection diyan dahil physical wire na ang tinanggal nila.

As I've said, baka naka-promo lang si Converge. Mas mabuting i-verify mo yan dahil pangalan mo din ang nakasalalay diyan oras na lumobo ng lumobo ang bills mo. Blacklisted ka kay Converge plus madadamay pa credit record/rating mo oras na di ka nakabayad. Aside diyan, kukulitin ka pa ng collection agency.
 
Last edited:
To really change the S/N of your modem (not the TR069 CWMP settings)
  • Click System Management
  • Then on the ONT Authentication, palitan niyo lang yung S/N
  • Click apply

Eto ang tunay na pagpapalit ng S/N ng Huawei Echolife HG8145V5/EG8145V5 na modem.
Take note though na kapag "tunay" niyong pinalitan ang S/N ng Huawei Echolife HG8145V5/EG8145V5 modem niyo, hindi na magsi-sync sa account niyo ang ONT modem niyo, kaya ang effect, mawawalan kayo ng Internet connection.

Pansinin niyo yung nasa Device info, pag normal at synced yan, ung ONT Registration Status ay O5(Operation state). Pero oras na hindi na synced ung S/N ng modem niyo at ung S/N na recorded sa database ni Converge at ung naka-link sa mismong account mo, ang magiging status na niya ay either O1, O2, or O3 (serial number state).

Sa case ni TS, TR069 lang ang pinalitan niyo, which is hindi nakakaapekto sa synchronization ng ONT (modem) at ng OLT (Optical Line Terminal) na naka-konekta sa mismong facility ni Converge na naka-konekta naman sa mismong system ni Converge kung saan nandun ung account ng isang subscriber.

"TR-069 enables remote and safe configuration of network devices called customer premises equipment (CPE). Configuration is managed by a central server called an Auto Configuration Server (ACS). TR-069 specifies the communication between a customer premises equipment (CPE) and Auto Configuration Server (ACS)."
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

"TR-069 allows you to control network devices from a remote location using your computer and a web browser. The auto-configuration server (ACS) is a central server that manages the configuration."
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
hindi mag wowork yan. maximum 4 momths na di nagbabayad kung di mo sila na notice na mag papaputol ka diretso yung bill mo. after 4 months auto dc na yang connection. tapos need mo settle yung name mo sa converge para maka pag activate ka ulit ng line. or in short. utang yan. 😫
 
hindi mag wowork yan. maximum 4 momths na di nagbabayad kung di mo sila na notice na mag papaputol ka diretso yung bill mo. after 4 months auto dc na yang connection. tapos need mo settle yung name mo sa converge para maka pag activate ka ulit ng line. or in short. utang yan. 😫
ilang months ang SOP ni Converge para alisin na ung slot sa NAP box ng isang inactive subscriber? Kay PLDT kasi, pag 3 months nang inactive ung account, may aakyat na sa poste at aalisin na ung naka-kabit na fiber wire niya sa mismong NAP box at ibibigay sa mga susunod na new subscriber. Sayang din kasi kung matetengga lalo ngayon nagkakaubusan ang mga slots sa NAP boxes.
 
ilang months ang SOP ni Converge para alisin na ung slot sa NAP box ng isang inactive subscriber? Kay PLDT kasi, pag 3 months nang inactive ung account, may aakyat na sa poste at aalisin na ung naka-kabit na fiber wire niya sa mismong NAP box at ibibigay sa mga susunod na new subscriber. Sayang din kasi kung matetengga lalo ngayon nagkakaubusan ang mga slots sa NAP boxes.
dipende yan . kung yung slot nyo marami bakante baka di muna alisin yan. then pag meron new subs or user saka yan aalisin .

after grace period and disconnection pwede na alisin sa pagkakaalam ko. lalo na kung wala pa kayong 2 years.
 
ganyan din sa pinsan ko lods haahah 2 years na may net paren pero sabe sa customer services pinutol nadaw
kukunin nalang daw yung modem pero wla paring kumukuha taon na naka lipas
 

Users search this thread by keywords

  1. ppoe bypass
  2. Pppoe to dhcp
Back
Top