It doesn't work that way...
TR069 lang ang binago mo. For remote troubleshooting purposes lang nila yan. Wala kang magagawa diyan sa ONT/ONU side. Nasa account mo mimso na nasa system mismo ni Converge naka-link ang serial number ng modem mo.
Kung hindi magsync ang serial number na naka-link sa account mo at sa serial number ng modem mo, mawawalan ka ng internet.
TR069 lang yang ginalaw mo at hindi niyan mababago ang mga information na nasa account mo na nasa system mismo ni Converge.
Probably may promo yan si Converge kaya di ka napuputulan...
Kasi kahit na anong gawin mo diyan sa modem mo, bagu-baguhin mo man ang settings at configuration na nandiyan, the fact na sa account mo pa rin na nasa system ni Converge tumatakbo ang buong configuration ng bandwidth allocation, due date, disconnection and others, wala ka rin talagang magagawa diyan. Hawak pa rin ni Converge ang account mo.
At kahit pa binago mo ang TR069 server niyang modem mo, the fact na hawak pa rin ni Converge ang account mo, at firmware pa rin ni Converge ang tumatakbo sa modem na yan, maaaccess at maaaccess pa rin ni Converge ang modem mo. In short, makikita at mamo-monitor pa rin nila ang mga logs ng mga changes na ginagawa ng subscriber nila sa modem nila. Kahit nga kung ilang devices ang currently naka-connect is makikita nila. At makakapag-upload pa rin sila ng configuration, at makakapagdeploy pa rin sila ng firmware updates remotely via OMCI PLOAM. Kasi nga hawak pa rin nila ang account mo, at wala kang pwedeng gawin para bumitaw ka sa access nila, unless ipa-terminate mo ung subscription mo.
Also, nakikita pa rin yan ni Converge na active yung account mo. Dahil kung nakita nilang hindi na active yung account mo, tatanggalin ka na nila sa slot mo sa NAP box. Not sure kung ilang months ang SOP ni Converge diyan, kay PLDT kasi is pag inactive na ung account mo ng 3 months, aalisin na nila ung line mo sa NAP box, at ipapagamit sa mga new subscribers kesa naman naka-tengga lang ang slot na yun, sayang.
At pag ganyan na ang nangyari, LOS ka na at wala ka na talagang magiging connection diyan dahil physical wire na ang tinanggal nila.
As I've said, baka naka-promo lang si Converge. Mas mabuting i-verify mo yan dahil pangalan mo din ang nakasalalay diyan oras na lumobo ng lumobo ang bills mo. Blacklisted ka kay Converge plus madadamay pa credit record/rating mo oras na di ka nakabayad. Aside diyan, kukulitin ka pa ng collection agency.